Matapos ang pitong taon, nanalong muli ang Far Eastern University kontra University of the Philippines, 90-79, upang makuha ang ikatlong sunod na panalo sa UAAP Season 89 men’s basketball sa PhilSports Arena sa Pasig nitong Linggo.
Nagtala si Kirby Mongcopa ng 24 puntos, siyam na rebounds at tatlong assists upang pangunahan ang Tamaraws, na huling tinalo ang Fighting Maroons noong second round ng Season 82 taong 2019.
Tumulong kay Mongcopa si Jorick Bautista na may 16 puntos, apat na rebounds, tatlong assists at dalawang steals.
Umangat ang FEU sa 3-1, katabla sa liderato ng Ateneo de Manila University na tinalo ang National University, 87–76, nitong Sabado.
Nalasap ng UP ang ikalawang sunod nitong pagkatalo upang bumaba sa 2-2 at mapabilang sa four-way tie kasama ang National University, University of Santo Tomas at De La Salle University na wagi sa isang laro.
Hindi masyadong pinawisan ang De La Salle University laban sa University of the East, 112-87, upang wakasan ang kanilang dalawang sunod na pagkatalo, sa pangunguna ni Mason Amos na nagtala ng 19 puntos mula sa 7-of-9 na shooting.
“We just discussed how unpredictable this season will be, and we came from back-to-back losses, but with us, it’s focusing on our own race to get better as a group,” ani La Salle coach Topex Robinson.
Nagpakitang gilas din si Jacob Cortez na may 15 puntos, habang sumunod si Mikey Cortez na may 11 puntos sa loob ng 15 minutong paglalaro. Nagtala naman sina Andrei Dungo at Joaquin Tovera ng tig-10 puntos para sa La Salle, na tumira ng mahusay na 44-of-84 (52.4%) mula sa field.
Sa husay ni Henry Agunnane, lumobo sa kalamangan ng Archers sa pinakamalaking 28 puntos, 103-75, sa kalagitnaan ng huling yugto bago matapos ang laro na may 11 puntos, siyam na rebounds, isang steal at isang block.
Gumawa si Toper Lagat ng career-high 30 puntos ngunit hindi pa rin nanalo ang Red Warriors.
Naranasan ng UE ang ika-25 sunod nitong pagkatalo mula pa UAAP Season 87 noong 2024 at ikalimang sunod ngayong season.
Nagdagdag si Mo Tanedo ng 14 puntos para sa UE, habang sina Gene Carillo at Kean Dungca ay kapwa nagtala ng 12 puntos.
The scores:
First Game
La Salle 112 – Amos 19, J. Cortez 15, M. Cortez 11, Agunanne 11, Dungo 10, Tovera 10, Pablo 8, Abadam 8, Gagate 6, Marasigan 4, Macalalag 4, Quines 3, Daep 2, Sharma 1, Sardon 0, Gomez 0.
UE 87 – Lagat 30, Tañedo 14, Carillo 12, Dungca 12, Vazquez 7, Robles 5, Cole-Dumont 3, Edoukou 2, Santos 2, Sabroso 0, Jimenez 0.
Quarters: 31-19; 61-42; 89-65; 112-87
Second Game
FEU 90 – Mongcopa 24, Bautista 16, Pasaol 15, Cabonilas 11, Konateh 10, Felipe 5, Gish 4, Daa 3, Burgos 2, Nakai 0, Rañeses 0.
UP 79 — Pre 16, Nnoruka 14, Remogat 12, Payosing 8, Franco 6, Bayla 5, Stevens 5, Ogana 5, Briones 4, Poyos 2, Palanca 2, Yñiguez 0, Alter 0, Maga 0.
Quarters: 26-13; 43-41; 75-55; 90-79


