
Inanunsyo na ng Film Academy of the Philippines (FAP), ang walong napasama sa shortlist ng posible na magiging official entry ng Pilipinas sa 2027 OSCARS.
Ang naturang mga film group ang namamahala sa taunang pagpapadala ng bansa sa prestihiyosong OSCARS o Academy Awards na nakabase sa USA, na nilalahukan din ng mga bansa sa buong mundo na nagpapaunlad ng kanilang film industry.
Sa 2027 ang ika-99 na taon ng OSCARS kung saan sa kategoryang Best International Feature Film ang inilalaan para sa mga movie entries na nanggagaling sa ibang bansa.
Simple lang ang criteria sa nasabing kategorya dahil yung “the best”mula sa bansang lalahok ang kailangang ipadala at ikampanya para mapasama sa madalas na lima o higit pang magiging official entries.
Kailangan lang na ang nasabing entry ay nagkaroon na ng commercial run sa bansang nire-represent nito sa loob ng itinakdang period na sakop ng OSCAR para sa taong 2027.
Sa kasong ito, ang mga pelikulang na shortlist ng FAP ay naipalabas na commercially sa pagitan ng January 2026 hanggang December 2026.
Base sa listahan na inilabas ng FAP, naririto ang pagpipiliang movies:
“58th” — directed by Carl Joseph Papa
“All the Things I Leave You (Patawid)” — directed by Jade Castro
“Filipiñana” — directed by Rafael Manuel
“I’mPerfect” — directed by Sigrid Andrea Bernardo
“Manila’s Finest” — directed by Raymond Red
“Quezon” — directed by Jerrold Tarog
“Silenced Nights” — directed by Lawrence Fajardo
“Sisa” — directed by Jun Robles Lana
Ayon kay FAP Director General Paolo Villaluna, ang walong movies na napasama sa shortlist ay may kani-kaniyang lakas at pagkakaiba sa pag-present ng Filipino perspective at experiences.
Saad ni Villanueva, “they look at our history, the issues we continue to face and the ways Filipinos deal with questions of power, identity, love, freedom and survival.”
Ngayong Sept. 4 malalaman ang mapipili mula sa walo na dadaan sa isang proseso ng mahigpit na pagpili mula sa mga grupo at indibidwal na magiging bahagi ng Selection Committee at aprubado ng Academy of Motion Picture Arts and Sciences.
“The committee will consider each submission based on artistic merit, cultural relevance and its potential for an international campaign,” ayon pa sa press release ng FAP. .
Parte pa ng naturang media release ang maiikling synopsis ng walong nakunsidera sa shortlist.
Ang “58th” ni Carl Joseph Papa ay isang animated docu-drama centered on the 2009 Maguindanao Massacre, told through the perspective of one of the missing victim’s daughters.
Ang “All the Things I Leave You (Patawid),” naman ni Jade Castro ay isang Ilocano-language BL film na hinangaan ang mapangahas nitong story-telling.
Si Rafael Manuel naman ang nasa likod ng “Filipiñana,” na nakapaglibot na sa ilang foreign film festivals at nakapag-premiere sa Sundance Film Festival, kung saan nagwagi ito ng World Cinema Dramatic Special Jury Award for Creative Vision. Tungkol naman ito sa istorya ng isang young woman working at a posh golf course.
Ang “I’mPerfect,” naman ni dinerek ni Sigrid Andrea Bernardo, is another contender. Ito ang nanalong Best Picture sa 2025 Metro Manila Film Festival na matapang ding nagkuwento tungkol sa isang couple with Down syndrome.
Nasa shortlist din ang “Manila’s Finest,” directed by Raymond Red. The film is set shortly before the First Quarter Storm.
Napasama din ang Jerrold Tarog’s “Quezon,”ang ikatlong installment ng tinatawag na “Bayaniverse” franchise at pinagbibidahan ni Jericho Rosales as Manuel L. Quezon, the Philippines’ second president.
Ang pagbabalik movie ni acting icon at legend Hilda Koronel naman thru “Sisa,” directed by Jun Robles Lana ang isa pa din sa mga posibleng maging opisyal na entry. Tungkol naman ang film sa isang pinay na pinaniniwalaang mentally unstable who secretly works as a spy for Filipino revolutionaries during the Philippine-American War.
“Rounding out the contenders is Lawrence Fajardo’s “Silenced Nights,” inspired by the 2017 killing of Kian delos Santos during the Duterte government’s war on drugs.”
Sa halos ilang dekada ng nagpapadala ng official entry sa OSCARS ang Pilipinas, hindi pa rin tayo pinapalad na mapasama sa mga nabibigyan ng nominasyon.
Ang ilan nga sa mga naging entries ng bansa na sinasabing muntikan ng magkaroon ng nomination/s ay ang mga gaya ng “Dekada ’70,” “Heneral Luna,” “Ang Babae sa Septic Tank,” at ang “Magellan.”


