Flinex o ipinagmalaki ni Aga Muhlach sa kanyang socmed account ang pagba-bike nila ng anak niyang si Andres Muhlach nitong Huwebes.
“Welcome to the world of cycling”, ang caption na ginamit ni Aga sa kanyang Instagram post.


Mukhang magiging bahagi ng father and son bonding activity ang pagba-bike lalo’t noon pa nakilala ng madla na isang ‘bike enthusiast’ ang 90’s matinee idol.
Sa katunayan, nang dahil nga sa kanyang pagba-bike ay may mga pagkakataong nakakasali si Aga sa mga advocacy na nagsusulong ng health and fitness and wellness, pati na ang mga simpleng pagtulong sa mga taong nangangailangan.
Minsan na ngang nag-viral ang isang pangyayari na niregaluhan niyang bike ang isang teenager na nagtitinda sa kalsada.
May mga nagrereklamo nga lang na mga faneys o netizen na supporter ni Andres sa naturang post ni Aga. Hindi umano kasi malinaw o sadyang ginawang medyo “blurred” ni Aga ang dalawang photo ni Andres na pinost.
Excited pa naman daw ang mga fans na ma-sight ang “pabukol o pabakat” man lang ng batang aktor sa suot niyang cycling shorts.
Ganunpaman ay hoping ang mga faney na sana ay mas dalasan daw ni Andres ang pagba-bike. May kumuda pa sana isama raw ng batang aktor si Ashtine Olviga sa pagbibisikleta.
Siyempre hindi papatalo ang KaiDres fans at ang bet nilang kasama ng anak ni Aga ay si Kai Montinola.


