Lumakas ang downloads ng e-commerce apps sa Pilipinas sa unang kalahati ng 2026 kahit nabawasan ang kanilang reliance sa paid customer acquisition, ayon sa Shopping App Insights Report 2026 ng mobile analytics firm na Adjust.
Tumaas ng 16 percent year-on-year ang e-commerce app installs sa Pilipinas sa first half ng 2026, kabilang ang bansa sa mga markets na nakapagtala ng double-digit growth.
Mas mabilis ang expansion sa Singapore na nanguna sa 67 percent, kasunod ang United States sa 49 percent, Vietnam sa 42 percent, India sa 37 percent, at Indonesia sa 36 percent.
Kasabay ng paglago ng Philippine installs, bumaba ng 34 percent sa 0.73 ang paid-to-organic ratio ng bansa.
Ibig sabihin, may humigit-kumulang 73 paid installs sa bawat 100 organic installs sa first half ng 2026.
Kabaligtaran ito ng global trend. Umakyat ng 26 percent mula 2025 sa 0.72 ang worldwide paid-to-organic ratio, indikasyong mas malaking bahagi ng global e-commerce acquisition ang nagmumula sa paid campaigns.
Kabilang ang Pilipinas sa iilang markets na bumaba ang ratio, kasama ang Vietnam, Brazil, at India. Pinakamalaki ang pagbaba sa Vietnam na 54 percent, habang 34 percent sa Pilipinas, 20 percent sa Brazil, at 17 percent sa India.
Ipinapakita ng Philippine figures na lumalago ang app installs habang mas maliit ang relative contribution ng paid acquisition kumpara noong 2025, bagama’t hindi tinukoy ng report kung aling channels ang nagtulak sa organic growth.
Sa engagement, nasa 6.78 minutes ang average e-commerce app session sa Pilipinas sa first half ng 2026, mas maikli sa 9.98-minute average sa Asia-Pacific at 10.32 minutes globally.
Pero ayon sa Adjust, hindi awtomatikong negatibo ang mas maikling session. Maaaring bumaba ang oras sa app kapag mabilis na naipapakita ng personalized recommendations ang tamang produkto at napapadali ng one-click checkout ang transaction.
Nagiging concern ito kapag kasabay ng pagbaba ng session length ang paghina ng conversion rate, na maaaring indikasyon ng mabagal o frustrating na checkout experience.
Ang report ay gumagamit ng aggregated at anonymized data mula sa apps na sinusubaybayan ng Adjust, kabilang ang mix ng top 5,000 apps nito at mas malawak na dataset. Saklaw ng pagsusuri ang January 2024 hanggang June 2026 at nilinaw ng Adjust na maaaring hindi nito katawanin ang buong global app market. /Bistado


