Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

DMW: Repatriated OFWs, umabot na sa 5,400

Umabot na sa kabuuang 5,400 overseas Filipino workers (OFWs) at kanilang mga dependent ang naiuwing Pilipino mula sa Middle East matapos dumating ang 342 sakay ng ikasiyam na chartered flight ng pamahalaan, ulat ng Department of Migrant Workers (DMW).

Ayon kay DMW Secretary Hans Leo Cacdac, patuloy ang pagpapalakas ng repatriation operations habang naghahanda ang gobyerno ng mga susunod pang flight para maiuwi ang tinatayang 2,500 OFWs na handa nang bumalik sa bansa.

“So, this is the 9th chartered flight. We have 342 on board. So, this brings us to a total of 5,400 OFWs and their dependents and counting,” ani Cacdac.

Dagdag niya, inaasahan ang pagdating ng 150 OFWs mula Bahrain at higit 300 mula Kuwait, kung saan naapektuhan ang operasyon dahil sa naunang airspace restrictions.

“We have an entire plane load from Kuwait kasi magbubukas na yung Kuwait Airport,” aniya.

Kasama rin sa darating na flight ngayong Martes, April 14, ang labi ng 16 OFWs na nasawi sa natural causes, na naantala ang pag-uwi dahil sa logistical constraints sa gitna ng pansamantalang pagsasara ng airspace.

Tiniyak ng DMW na tuloy-tuloy ang repatriation para sa mga apektadong manggagawa.

“Rest assured, we will be on top of the situation,” ani Cacdac.

Sinabi rin niya na gagamit ang pamahalaan ng commercial flights kapag naging mas maayos ang sitwasyon sa Middle East.

“If the ceasefire holds, the situation will improve. And actually, we will now begin resorting to commercial flights,” dagdag niya. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles