Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Dingdong Dantes, titiyaking ma-Master ang pagiging aktor

Muling naimbitahan ang BISTADO sa grand media con at preview ng upcoming drama-action-series na The Master Cutter na pinagbibidahan ng Primetime King ng Kapuso network na si Dingdong Dantes.

Sa red carpet premiere ng nasabing series na ginanap sa world-class Wolfgang Theater sa Gateway Mall 2 sa Araneta Center last May 5, rumampa ang mga artistang kasama ni Dingdong sa series.

Namataan ng BISTADO sina Max Collins, Rio Locsin, Tonton Gutierrez, Paolo Contis, Ketchup Eusebio, Polo Ravales, Max Eigenmann, Shuvee Etrata, Anthony Constantino, Charlie Fleming, Prince Carlos, Jo Berry at iba pang cast members ng action series. 

Bukod kina Dingdong at Max, nakausap din ng BISTADO ang direktor nitong siDominic Zapata at mga GMA top executives na sina VP for Drama na si Cheryl Ching-Sy, Asst. VP for Drama Ali Nokom-Dedicatoria, with Program Manager Dennis Bentulan at EP ng show na si Nieve Magpayo at ang VP for Corp. Communication na si Angel Javier-Cruz.

Ipinasilip sa mga piling members ng media at social media community ang one week long episodes ng The Master Cutter na magsisimulang umere sa GMA 7 primetime slot (after ng 24 Oras news program) ngayong May 11, at mapapanood din sa Netflix.

“The show is indeed our claim to bringing back the kind of entertainment GMA 7 is known for. Yung mga kuwento na very pinoy, relatable, family oriented and with values na atin talaga. And yet the challenge of incorporating concepts na tatanggapin globally for our audiences outside the country is made sure na nandun,” pagbabahagi ni Ms. Cheryl Ching-Sy.

Sagot naman ni Dingdong sa tanong ng BISTADO kung sa naturang series na ba niya natagpuan ang pagiging isang “Master Actor” lalo’t halos na lang ng roles sa TV at movies ay kanya ng nagawa at nagampanan with some awards under his belt.

“As much as possible ay lagi namang may ganung goal. But I never think na masasabi kong ma-master ko na ang lahat. It will always be a collaborative effort. Ang success ng series ay dahil sa concerted effort ng lahat. Kaya ko rin magagawa o gagawin ang role ni Atoy (Anthony Padua ang name niya sa series) ay dahil magkaka-ugnay o matatahi-tahi ng bawat character ang kuwento. That is the challenge for all of us kaya masarap abangan at panoorin,” sagot ni Dingdong.

Dagdag naman ni direk Dominic, “mahusay ang aming action director. Nagpapasalamat din kami sa GMA 7 dahil hindi nila kami tinipid at todo support sila sa production kaya ganado ang lahat sa team na magput ng kanilang emotions and ideas to come up with better scenes and story na yun nga sana ay matahi-tahi ng audience for them to really enjoy.”

Bongga ang concept ng show na may reference sa patron Saint na si St. Anthony de Padua, na pinaniniwalaan ng mga Katoliko na siyang patron ng mga nawawalang bagay, tao o anuman ng mga mananampalataya. 

Kasama din sa The Master Cutter ang kilalang si Joey Marquez bilang gumaganap na tatay ni Dingdong at may special participation din sina Ms. Jackie Lou Blanco at Miguel Tanfelix.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles