Sa sobrang paghanga kay Jaafar Jackson, hindi na napigilan pa ng nanay ni Sophia Laforteza, leader ng international girl group na KATSEYE ang kumuda sa socmed.
Flinex nga ng mother ni Sophia na si Carla Guevara Laforteza na bilib na bilib siya sa biopic ni Michael Jackson na “Michael” at tulad ng ibang nakapanood, napabilib din ng nephew ng King of Pop ang singer-actress.
Tinag pa nito si Jaafar at ang sikat na anak sa Facebook post niya na, “Dear Jaafar Jackson. I am officially a FAN. Please be friends with my daughter Sophia Laforteza so i get to meet you. sincerely, Mother Carla”
Agad nag-trending ang nasabing FB post ni Carla. Ang nakakaloka, may mga nang-iintriga na mukhang mas bet daw ni mader si Jaafar kesa kay Leon Barretto.
Hindi ba nga si Leon ang napapabalitang dyowa raw ni Sophia? At ang kumakalat na tsismis, di raw ito bet ni Carla para sa anak.
Naging big deal sa fans at netizens nang mapansin nilang hindi na nagpa-follow ang aktres sa Instagram account ni Leon kahit pa naka-follow naman ang binata sa IG ni Carla.


