Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Dennis Trillo, “uso na naman ang prosthetics,” on doing ‘frontal nudity’

Sa isang pambihirang pagkakataon ng tanungan at sagutan sa programa ng King of Talk na si Boy Abunda na Fast Talk sa GMA 7, kahanga-hanga ang naging pagsagot ni Dennis Trillo.

Itinuturing na A-lister at isa sa mga reliable ‘kings’ ng Kapuso network si Dennis subalit nang dahil sa taglay nitong husay sa pagganap at pag-tackle ng iba’t-ibang klase ng roles sa TV and movies, lagi siyang pumapasok sa listahan ng pinaka-magagaling na aktor sa kasaysayan ng showbiz.

soon sa GMA 7 , HARI NG TONDO nina Dennis at Ruru Madrid, mula sa Kapuso PR Team

“Nakakataba naman po ng puso. Kung sa palagay nila ay nagiging inspirasyon ako at role model ng mga baguhan sa industriya, ibig po sigurong sabihin na ginagawa at nagagawa ko ng tama ang trabaho ko,” bahagi ng sagot ni Dennis sa panayam kay Kuya Boy.

Ayon pa sa mahusay at guwapong aktor, nagsimula daw siyang walang ibang hangad kundi ang makagawa ng magagandang projects. Ni hindi nga daw niya inisip na aabot siya ng more than two decades sa showbiz na marami pa ring ginagawa at relevant pa rin.

This 2026 ay mag-celebrate na si Dennis ng kanyang ika-23rd year sa industry. More than dozens of acting awards na ang kanyang natanggap mula sa mga prestigious at kilalang award-giving bodies sa bansa at maging sa ilang international groups.

Wala naman daw pressure sa kanya ang gumanap ng mga varied roels dahil aniya, “sa umpisa pa lang ay nararamdaman ko po agad kung mayroong ‘something’ o may tama sa akin yung project. Kung hindi ko talaga nararamdaman at hindi sakto sa kaya kong gawin, hindi ko din po talaga tinatanggap.”

Kaya ng tanungin siya ng King of Talk kung ano pa bang klase ng role ang tila challenged siyang gawin o role gaya ng paghuhubad ( with frontal nudity), ano kaya ang mga yun?

“Sa akin po kasi ay parang halos lahat ay nagawa ko na. Nagsimula akong maging seryoso sa mga challenging roles nang gawin ko yung Aishite Imasu 1941: Mahal Kita (in 2004). Talagang ginawa akong “babae” doon ni direk Joel Lamangan,” kuwento ni Dennis.

On doing frontal nudity, sinabi ni Dennis na naka-depende sa istorya at direktor ang lahat. Wala naman daw siyang inhibitions na gawin ito lalo’t uso na sa movie making nowadays ang paggamit ng “prosthetics.” 

“Basta po talaga maramdaman ko yung ‘something’ na nararamdaman kong sakto at kaya ko, puwede po ako (to doing frontal nudity),” sambit nito.

Kahit naranasan na nga daw niya ang gampanan ang halos lahat ng mga roles sa parehong TV at movies bilang bida-kontrabida, leading man, mabait, salbahe, macho dancer, bakla, killer, religious, sexy, bobo, etc, na naglagay nga sa kanya bilang isa sa mga most in-demand and versatile actors sa generation na ito, “susubukan ko pa ding gumawa ng mga kakaibang roles.”

At marami pa rin daw siyang gustong makasama at pinapangarap na makatarbaho at maka-eksena gaya ng mahuhusay na aktor na siina Piolo Pascual, Coco Martin, Jericho Rosales, John Lloyd Cruz at mga kagaya.

Sa paparating niyang series sa GMA 7, muli siyang masusubukan bilang isang action star sa HARI ng TONDO kasama si Ruru Madrid na nakasama din niya sa isa sa mga most awarded movies na nagawa niya ang ‘Green Bones.’

Sa personal nitong buhay ay wala na daw siyang mahihiling pa bilang asawa ng isa din sa pinakamahusay at magandang aktres na si Jennylyn Mercado at kanilang mga anak.

May maayos at masaya silang pamilya, mga negosyong kanilang pinauunlad, at mga simpleng wisyo sa social media na nagpapasaya sa kanilang lahat.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles