Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

DBCC binawasan ang 2026 growth target, makakabawi raw simula 2027

Ibinaba ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) ang economic growth target ng Pilipinas para sa 2026 sa 3.5 percent hanggang 4.5 percent, bago inaasahang bumawi sa 5.0 percent hanggang 6.0 percent mula 2027 hanggang 2030.

Inaprubahan ito ng DBCC sa 193rd meeting nito, kung saan nirepaso ang medium-term macroeconomic assumptions, growth targets, at fiscal program para sa fiscal years 2026 hanggang 2030.

Ayon sa DBCC, inaasahang hihina ang paglago ngayong taon dahil sa domestic at external uncertainties, kabilang ang epekto ng governance-related issues, geopolitical tensions sa Middle East, at iba pang global developments na maaaring tumama sa business at consumer confidence.

Posible ring pahinain ng mataas na inflation ang household consumption at investments, habang maaaring makadagdag sa pressure ang mas mabagal na paglago ng remittances at visitor arrivals.

Binanggit din ng DBCC ang looming El Niño sa ikalawang bahagi ng taon, na maaaring makabawas sa output ng sektor ng agrikultura at makagulo sa economic activities kung walang sapat na disaster preparedness at resilience measures.

Sa inflation, inaasahan ng DBCC ang 6.0 percent hanggang 7.0 percent average ngayong 2026 dahil sa mataas na global fuel prices, supply-side pressures, at second-round effects ng Middle East conflict.

Nakikita itong luluwag sa 4.0 percent hanggang 5.0 percent sa 2027 at babalik sa 2.0 percent hanggang 4.0 percent mula 2028 hanggang 2030.

Itinaas din ang Dubai crude oil assumption sa USD 80 hanggang USD 100 kada barrel ngayong 2026, bago bumaba sa USD 70 hanggang USD 90 sa 2027 at USD 60 hanggang USD 80 mula 2028 hanggang 2030.

Para sa foreign exchange, itinakda ng DBCC ang assumption sa P60 hanggang P62 kada US dollar mula 2026 hanggang 2030.

Sa kalakalan, inaasahang lalaki ang goods exports ng 3.0 percent ngayong 2026, 4.0 percent mula 2027 hanggang 2029, at 5.0 percent sa 2030. Ang goods imports naman ay inaasahang tataas ng 5.0 percent sa 2026 at 2027, bago gumalaw sa 4.0 percent hanggang 5.0 percent mula 2028 hanggang 2030.

Sa fiscal program, target ng gobyerno na pababain ang deficit mula 5.4 percent ng gross domestic product (GDP) ngayong 2026 hanggang 3.5 percent pagsapit ng 2030.

Inaasahang tataas ang revenues mula P4.81 trillion sa 2026 hanggang P6.52 trillion sa 2030, habang ang disbursements ay nakikitang aabot sa P6.47 trillion ngayong taon at P7.98 trillion sa 2030.

Itinakda rin ang proposed fiscal year 2027 national budget sa P7.2 trillion, katumbas ng 21.7 percent ng GDP.

Ayon sa DBCC, tututukan ng 2027 budget ang efficient at high-impact spending sa pamamagitan ng pag-streamline ng redundant programs at pagpapalakas ng transparency sa paggamit ng public funds.

Kasama sa mga repormang itutulak ang mas mabilis na Government Optimization Program, review ng performance incentive system, efficiency measures sa Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE), devolution reform, mas maayos na cash subsidy at financial assistance programs, at mas mahigpit na infrastructure governance.

Sa kabila ng mas mababang growth target ngayong taon, sinabi ng DBCC na nananatiling nakatuon ang pamahalaan sa macroeconomic stability, fiscal discipline, investor confidence, at inclusive growth sa gitna ng mas hindi tiyak na global environment. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles