Pagkatapos ngang pag-usapan ang tila naging “gentleman” gesture nina Daniel Padilla at James Reid sa isang event kamakailan kung saan binanggit ni James si Kathryn Bernardo, pinag-uusapan naman ngayon ang tila biglaang update ni Daniel sa kanyang IG.
Marami nga ang nagulat sa naging gesture ni Deejay (Daniel) nang mag-post ito ng picture ng isang nakatalikod na babae na mahaba ang hair sa isang ‘store’ na obviously ay kasama o ka-date niya.
Lahat ay nagkakaisa na si Kaila Estrada nga yun dahil after the said post, may ganting post naman si Kaila sa kanyang IG, wearing the same clothes and sporting the same hair at nasa same store ng gaya nung kay Daniel.
Kinakiligan ito ng marami dahil kilala nilang hindi basta-basta nag-po-post ang aktor ng ganun kahit pa noong time nila ni Kathryn.
May mga nagtatanong at nang-iintriga tuloy na marahil ay yun ang simpleng sagot ni Deejay sa nag-viral na pagkabigla niya sa “pagtapik” ni James noong banggitin nito ang name ng ex-gf.
“To show that he indeed has moved on and is now happy with Kaila,” komento pa ng netizen.
Kahit wala pa nga daw na pormal na anunsyo hinggil sa kanilang totoong relasyon, ang mga recent photos and sightings daw ay sapat na para sabihing mas gumaganda at lumalalim ang kanilang relasyon.
Sa katunayan, sa imbitasyon kamakailan ni direk Lester Pimentel (director nila sa INCOGNITO TV series) para sa mga cast members ng naturang series for a dinner treat sa Tanay ay makikita sa mga photos and videos kung gaano nga sila kasaya.
Matatandaang nang dahil sa nasabing series kaya’t nagka-kilala ng husto at nagsimula ang love affair nina Daniel at Kaila.


