Ang dating singer at ngayo’y abogado na ni Sen. Bato dela Rosa na si Jimmy Bondoc ay tila nakakuha ng supporters mula sa hanay ng showbiz.
Sa isang socmed thread ay pinag-uusapan ang naging mainit na pagtatalo nila ni broadcast journalist Ces Drilon nang makapanayam nito si Atty. Bondoc hinggil sa “latest update” ng whereabouts ng ngayo’y itinuturing ng puganteng si Sen. dela Rosa.
Nag-viral nga at nakatanggap ng matinding bashing ang dating sikat na singer at composer lalo’t tinawag pa itong “bobo” at kinuwestiyon ang pagiging abogado nito.
Naging laman kasi ng naturang panayam ni Ces ang pagsagot ni atty. Bondoc na pwede o maaaring tanggapin o i-receive ng abogadong gaya niya ang “warrant of arrest” ni Sen. Bato at siya na lang ang mag-si-serve sa kliyente.
Pinagtawanan, nilait at na-bash ng husto si Bondoc nang dahil sa naturang statement o response niya sa naging mainitang “question and answer” interview nila ni Ces.
Dahil dito, rumesbak ang ilang mga dating kasamahan ni Bondoc sa concert scene at ilang mga musikero na nakakilala dito.
Bahagi ng kanilang diskurso, “naku, hindi nila kilala kung paanong maglaro iyang si Jimmy. Kaya nga nag-abogado iyan eh dahil mahusay siya sa mga ganung kalseng strategies mereseng malait ang dunong niya. Kung sasagutin ba niya ng diretso si Ces at ilalahad ang kanilang plano sa public, eh di nakapaghanda ang mga kalaban nila at malalaman nila ang whereabout ni Bato. Simple logic, pinaikot lang sila at nakipaglaro si Jimmy. Ganun na siya kahit noong singer pa lang iyan. He can play with words at sa bandang huli, alam niyang lumusot.”
Diumano, na-master na daw ng hanay ng dumepensa ngayon kay Sen. Bato ang kanilang mga posisyon, kahit pa daw kinwestyon ang kanilang husay at dunong.
“Part ng strategy and tactic iyan. Eh di ngayon, mas pinag-uusapan ang katangahan o kabobohan niya kesa sa totoong dapat na sagutin kung nasaan na si Bato? Sino ngayon ang mga bobo? Sino ang higit na napikon?, ” susog pa ng ilang members sa thread na mga concert at shw producers.
Ang sinasabing thread o gc ay kinabibilangan ng mga record producer, recording studio/label owners, venue providers, mga rappers at mga indie singer-artists na madalas ay iniimbitahan sa mga caucus o meetings ng partido nina VP Sara Duterte at tatay nitong si dating Pangulong Digong Duterte.


