Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

DA: Walang malaking taas-presyo sa bigas kahit sumipa fuel costs

Hindi inaasahan ng Department of Agriculture (DA) ang malaking pagtaas sa retail price ng bigas sa kabila ng pagsirit ng presyo ng produktong petrolyo.

“We’re not expecting or seeing huge increases sa presyo ng bigas,” ani DA spokesperson Assistant Secretary Arnel De Mesa nitong Martes.

Batay sa DA Bantay Presyo nitong Lunes, nasa P50 kada kilo ang prevailing price ng premium imported rice sa Metro Manila, habang P48 ang imported well-milled rice at P45 ang regular-milled.

Nasa P48 hanggang P60 kada kilo naman ang premium local rice, P40 hanggang P56 ang local well-milled rice at P38 hanggang P50 ang local regular-milled rice.

Paliwanag ni De Mesa, hindi awtomatikong nagtutulak pataas sa presyo ng bigas sa mga pamilihan ang pagmahal ng langis.

“Hindi siya automatic na nagtataas, at saka kung mayroon mang pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo, ang nakakaapekto diyan ‘yung maliliit na movement,” sabi niya.

Mas ramdam umano ang epekto ng mas mataas na fuel costs sa inputs at logistics ng lokal na produksyon ng palay.

“Kasi ang palay naman, mino-move iyan ng maramihan. So ‘yung additional cost per unit kilo, napakaliit. Hindi siya malaki,” paliwanag ni De Mesa.

Tiniyak din niya na kahit sundan ng traders ang P21 kada kilong buying price ng National Food Authority (NFA) para sa wet at fresh palay ngayong wet harvest season, inaasahang mananatili sa standard range na P50 hanggang P55 kada kilo ang well-milled rice.

Iniuugnay ito sa sapat na suplay ng bigas, malakas na ani ng palay sa unang kalahati ng taon at patuloy na pagdating ng imported rice.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), umabot sa record-high na 4.63 milyong metriko tonelada ang produksyon ng palay mula Abril hanggang Hunyo, pinakamataas para sa second quarter sa halos apat na dekada.

Nakatulong ito upang mabawi ang mas mahinang produksyon noong unang quarter at maitala ang siyam na milyong metriko toneladang palay sa unang anim na buwan ng taon.

Samantala, umabot na sa 3.609 milyong metriko tonelada ang rice imports mula Enero hanggang Agosto 20, batay sa datos ng Bureau of Plant Industry (BPI). /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles