Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

DA humihingi P300M para palawakin ube production

Target ng Department of Agriculture (DA) na magdagdag ng 1,000 ektarya ng taniman ng ube sa unang taon ng expansion program para habulin ang lumalaking global demand at palakasin ang export supply ng Pilipinas.

Humihingi ang DA ng P300 milyon para sa paunang pagpapalawak ng produksyon, na inaasahang magdodoble sa kasalukuyang ani at lawak ng taniman bilang unang yugto ng programa.

Tinataya ng kagawaran sa humigit-kumulang P850,000 kada ektarya ang gastos para sa farm development, facilities at production support.

Isasabay ang rollout sa harvest season at pagpaparami ng planting materials sa November 2026.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., target ng gobyerno na palakihin ang industriya nang hindi inuulit ang supply problems na naranasan ng ibang high-value crops nang biglang lumakas ang foreign demand.

“Nais nating tuluy-tuloy na paunlarin ang industriya ng ube, na nakakuha na ng atensyon sa pandaigdigang merkado, upang malimitahan, kung hindi man tuluyang maiwasan, ang mga pagkakamaling nagawa noon sa iba pang high-value crops na nakaranas ng malaking demand mula sa ibang bansa,” ani Tiu Laurel.

Sampung varieties ng ube ang tinukoy para sa large-scale production.

Ayon kay DA Undersecretary Philip Young, bahagi ang programa ng pagpapalakas ng reliable supply chains para sa export-ready agricultural products at pagpapalawak ng foreign markets para sa mga produkto ng bansa.

Pabilisin din ng DA ang production ng planting materials gamit ang minisett propagation, tissue culture at single-leaf nodal cuttings.

Kukunin ang mother tubers mula sa existing production areas, habang gagawing multiplier farms ang piling farmers at cooperatives para masigurong sapat ang planting materials para sa local production.

Nilinaw din ni Tiu Laurel na ang indefinite ban sa raw ube exports ay hindi total ban sa pag-export ng ube.

“Nais ko lamang linawin ang isang bagay. May mga balitang lumabas na sinasabing ipinagbabawal ko ang pag-export mismo ng ube. Hindi iyon ang kaso.”

“Upang maging malinaw, ipinagbabawal natin ang pag-export ng ube na maaaring gamitin bilang planting material. Maaaring hiwain lamang sa mga piraso ang raw ube at itanim, kaya ang ipinagbabawal natin ay ang pagbebenta ng hindi naproseso at hindi na-treat na raw ube na maaaring gamitin bilang planting material.”

“Gayunman, 100 porsiyento, o kahit isang milyong porsiyento, ang suporta natin sa pag-export ng processed ube sa anumang anyo.” /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles