Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Cong. Richard Gomez, may mahigpit na bilin sa unica hijang si Juliana

Isa sa mga naging paboritong kapanayamin ng ilang mga media people sa katatapos na ikalimang SONA ni PBBM ay si Ormoc representative Richard Gomez.

Bukod sa mga ongoing projects nito sa kanyang distrito at magandang collab nila ng asawang si Mayor Lucy Torres, hiningan din ng update ang guwapo pa ring Congressman tungkol sa naging gusot nito sa isang sports official during the last Asian Games.

Pero mas nakapukaw ng atensyon ng netizen ang mga naging tugon nito tungkol sa relasyon ngayon ng unica hija nilang si Juliana Gomez sa PBA cager na si Ricci Rivero.


Cong. Richard Gomez, may bilin kay Juliana… kuha sa IG

ayon sa ama ni Juliana, hindi daw siya yung tipo ng tatay na nakikialam sa gustong mahalin ng anak, much more yung gusto nitong maka-relasyon.

“She’s of age, she’s smart at napalaki naman siguro namin siya ng tama kaya may tiwala kami sa kanya, sa mga choices niya. Nandito lang kami to guide, to support at bigyan siya ng payo kung kailangan,” parte ng tugon ni Richard o mas kilala sa showbiz bilang si Goma.

Matagal nang napabalitang nasa mas malalim ng stage ng boyfriend-girlfriend status sina Juliana at Ricci, patunay nga dito ang madalas na lumalabas sa mga social media sites ng kanilang mga ‘dates o encounters’ sa mga PBA games, at ilang events na dinadaluhan o naiimbitahan sila. 

Ayon pa kay Goma, nauunawaan daw niya kung saan nanggagaling si Ricci na madalas ngang naiintriga ang isyu sa lovelife o mga babaeng nasasangkot dito.

Bilang minsan na din siyang tinaguriang Adonis ng showbiz at na-link na din naman sa kung kani-kaninong mga babae, in and out of showbiz, eventually naman daw ay napatunayan niyang nung mag-seryoso siyang maging one woman-man kay Lucy ay pinanindigan niya ito hanggang sa ngayon.

But as a doting and very loving and yes, “protective” father to Juliana who is 25 years old now, nakahanda pa rin daw siyang ipaglaban ang anak sa lahat ng mga maling akusasyon at paratang, mga bashing at iba pang parte ng kultura ng paninira.

Basta ang bilin lang daw niya sa anak ay mas maging malawak ang pang-unawa nito, manatiling grounded, masunurin sa kanila at maging masaya ng walang tinatapakan o inaagrabyadong kapwa.

“I believe that she fully knows what she is doing. Siyempre anak namin iyan at kung may higit na nakakakilala diyan, kami yun and yet, she soon will have her own life, her own choices and her own happiness,” pakli pa ni Goma.

Nang may magtanong sa kanya kung ready na ba silang maging lolo at lola ng asawang si Lucy, isang malakas na halakhak ang isinagot ng guwapo pa din at mahusay na Congressman.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles