Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

China rocket debris posibleng bumagsak sa PH EEZ, ayon sa PhilSA

Kumpirmado ng Philippine Space Agency (PhilSA) ang paglulunsad ng Long March 7 rocket ng China noong May 11, kung saan ang inaasahang debris ay projected na bumagsak sa identified drop zone sa loob ng Philippine Exclusive Economic Zone (EEZ).

Ayon sa PhilSA, inilunsad ang Long March 7 rocket mula sa Wenchang Space Launch Site sa Wenchang, Hainan bandang 8:14 a.m. Philippine Standard Time.

Tinatayang bumagsak ang debris sa drop zone na humigit-kumulang 34 nautical miles mula Bajo de Masinloc, 97 nautical miles mula Cabra Island sa Occidental Mindoro, at 130 nautical miles mula Busuanga, Palawan.

Inilabas ang detalye ng rocket drop zone sa Notice to Airmen, o NOTAM, na nagbabala tungkol sa “aerospace flight activity.”

Bago ang launch, nagpadala ang PhilSA ng pre-launch report sa concerned government agencies at authorities.

Ayon sa PhilSA, ang unburned debris mula sa rockets, gaya ng booster at fairing, ay karaniwang itinatapon habang pumapasok ang rocket sa outer space.

Hindi projected na bumagsak ang debris sa lupa o inhabited areas, pero may panganib pa rin ito sa ships, aircraft, fishing boats, at iba pang vessels na dadaan sa drop zone.

May posibilidad ding lumutang ang debris sa lugar at maanod papunta sa kalapit na baybayin.

Sinabi rin ng PhilSA na hindi pa maaalis sa ngayon ang posibilidad ng uncontrolled re-entry sa atmosphere ng upper stages ng rocket mula outer space.

Habang bumibilis ang global launch rates, nagbabala ang PhilSA na lumalaki ang hazard mula sa debris sa staging events at uncontrolled re-entry ng malalaking rocket upper stages. Maaari itong makaapekto sa spacecraft, civil aviation, at mga tao sa lupa.

Dahil dito, sinabi ng PhilSA na iniimbitahan ng Pilipinas ang international partners para pag-aralan kung paano makabubuo ang rehiyon ng coordinated protocols at capabilities na poprotekta sa space assets at sa publiko.

Muling pinaalalahanan ng PhilSA ang publiko na ipagbigay-alam agad sa local authorities kung may makitang suspected debris.

Nagbabala rin ang ahensya laban sa pagkuha o paglapit sa mga materyales dahil maaaring may remnants ito ng toxic substances gaya ng rocket fuel. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles