Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Chavit Singson, inaresto dahil sa cyber libel case

Mabilis na kumalat sa socmed nitong June11 ang mugshots ni former Ilocos Sur Governor Chavit Singson nang siya ay arestuhin dahil sa kasong cyber libel.

Ayon sa mga lumabas na balita, boluntaryong sumuko ang dating pulitiko na madalas ding napag-uusapan sa mundo ng showbiz dahil sa involvement niya sa mga kilalang babaeng artista, at nitong huli ay dahil sa usap-usapang muli niyang i-a-acquire ang franchise ng famous na Miss Universe pageant.

Manong Chaviot kung siya’y tawagin sa showbiz at ng mga celebrities na madalas niyang nakakasama sa mga okasyon at events.

May mga balitang lumabas mula sa mga lehitimong news outlets na inaresto si Chavit sa kanyang bahay sa Barangay Ugong Norte sa Quezon City.

Subalit batay naman sa nakalap ng BISTADO ay kusang sumuko ang kontrobersyal na celebrity lalo’t agad siyang nakatanggap ng ulat na inilabas na nga ang warrant laban sa kanya.

Hindi pa rin malinaw hanggang sa kasalukuyan kung anong klaseng isyu sa ‘cyber world’ ang kinasangkutan ni Chavit, pero may nagbibigay ng opinyon na “politically related” ito lalo’t very vocal umano sa pagkalampag at pagkalaban sa mga nasa administrasyon ng pamahalaan ang tinatawag na Manong Chavit ng showbiz.

Ayon sa report, inaresto si Chavit sa pamamagitan ng warrant na inisyu ng Regional Trial Court ng Vigan City, Branch 21 dahil sa “alleged violation of Section 4(c) in relation to Section 6 of Republic Act No. 10175, or the Cybercrime Prevention Act of 2012.”

May petsang June 10, 2026 ang nasabing warrant.

Agad namang nakapaglagak ng piyansa ang bilyonaryong celebrity sa halagang P60,000.00 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Abangan dito sa BISTADO ang mga karagdagang update sa isyung ito.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles