Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Celeste Cortesi, inahas nga ba ni Bianca Manalo?

Maraming netizen ang nagtatanong at nagtataka kung bakit tila nagkaroon umano ng news blackout ang lumutang na tsismis na diumano’y tuluyan ng iniwan ng kanyang boyfriend ang beauty queen turned actress na si Celeste Cortesi?

Nito lamang April ay pinupuri pa ang beauty-queen actress dahil sa pagtulong na ginawa nito sa isang charitable institution o grupo. 

Kasabay din nito ang anunsyong ginawa nila ng kanyang boyfriend na siya’y nasa interesting stage.

Ang naturang donasyon ay courtesy ng kanyang super bilyonaryo at high profile boyfriend na si Jonathan Michael Sterling.

Isang super yaman na entrepreneur at pilantropo si Sterling na isang Briton at balita ding magiging “ama” ng ipinagdadalantao ni Cortesi.

Marami nga ang nagpahayag ng paghanga at pagka-inggit sa beauty queen dahil mapalad daw ito sa pagkakaroon ng boyfriend na gaya ni Sterling,

Subalit nito lamang June 10 ay pumutok nga ang “tsismis” na nagkalabuan na sila ni Sterling at diumano, involve ngayon romantically ang pilantropo sa isa ding beauty queen actress na si Bianca Manalo.

Ayon sa mga kumalat na usap-usapan ng mga Marites sa socmed, si Bianca na ngayon ang ‘reyna’ sa puso ng negosyante.

Agad ding na-bash si Bianca lalo’t bulgar na bulgar din sa mundo ng showbiz at pageantry ang klase ng kanyang mga relasyon, lalo na sa mga kilalang pulitiko, partikular si Senate President Pro-Tempore na si Sen. Sherwin Gatchalian.

Marami ding netizen ang tumawag ng “ahas” kay Bianca, na wala pang inilalabas na kumpirmasyon o reaksyon hinggil sa naturang tsismis.

Isang British-Filipino football player naman na si Mathew Custodio ang huling celebrity na naka-relasyon ng half-pinay, half-Italian na si Cortesi.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles