Yumao na ang beteranong journalist at radio commentator na si Jimmy Gil sa edad na 79.
Loyal Kapuso ang beteranong broadcast journalist na nagsimula ng kanyang karera sa GMA 7 bilang news writer noong 1979.
Sa DZBB radio nagsimula ang karera ni Ka Jimmy hanggang sa tumawid na siya sa mundo ng telebisyon bilang news reporter noong 1982, na kumokober ng iba’t-ibang aspeto ng balita.
Naging pamoso siya sa pag-cover niya ng mga police beat, crime stories, mga isyu sa COMELEC Bureau of Immigration, BIR, sa Customs, at sa iba’t-ibang mga munisipyo sa Metro Manila lalo na ang Manila City Hall.
Naging pamilyar na mukha din si Gil sa mga programa sa radio at TV dahil naging co-anchor siya ng The Saturday & Sunday Evening Report kasama ang ang yumao na ding si Raffy Marcelo, at madalas din siyang nakakasama ng betarano ding broadcaster na si Tina Monzon Palma para sa News at Seven noong 1980’s hanggang sa 1990’s.
Ang Jimmy Gil LIVE ang huling programang kinabilangan ni Ka Jimmy bago pa siya iginupo ng karamdaman.
Ayon sa kanyang immediate family ay tuluyang binawian ng buhay mula sa kanyang pagkakaratay si Ka Jimmy, na Jaime Federico Gil ang buong pangalan.
Naulila niya ang asawang si Anna Katrina Sy, ang kanilang anim na mga anak at labing-isang mga apo.
Ayons a website ng GMA 7, Kapuso, ang mga detalye hinggil sa kanyang memorial services ay agad na i-aanunsyo.
Nakikiramay po kami dito sa BISTADO sa mga naulila ni Ka Jimmy.


