Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Cavite ecozone pinalawak

Pinalawak pa ang Cavite Economic Zone II matapos idagdag ang ilang parcels of land sa Noveleta, Cavite para magkaroon ng mas malaking espasyo para sa economic zone activities at locators.

Sa Proclamation No. 1460, itinalaga ni President Ferdinand Marcos Jr. ang mga lupang matatagpuan sa Barangay Sta. Rosa I bilang bahagi ng existing Cavite Economic Zone II.

May pinagsamang lawak na humigit-kumulang 14,640 square meters ang mga idinagdag na lupain.

Ginawa ang expansion sa ilalim ng Republic Act No. 7916, o Special Economic Zone Act, na inamyendahan ng Republic Act No. 8748.

Nakabatay rin ang hakbang sa rekomendasyon ng Board of Directors ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) sa ilalim ng Directors’ Resolution No. 16-189, series of 2016.

Layunin ng expansion na madagdagan ang espasyong magagamit ng Cavite Economic Zone II at makapag-accommodate ng mas maraming locators.

Ang economic zones na pinangangasiwaan ng PEZA ay nagsisilbing lokasyon ng mga kumpanyang kabilang sa manufacturing, export at iba pang qualified economic activities.

Nilagdaan ni Acting Executive Secretary Ralph Recto ang Proclamation No. 1460 noong Lunes, September 28, sa bisa ng awtoridad ng Pangulo. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles