Marami na ang nag-aabang sa upcoming romantic drama series sa GMA Afternoon Prime na You’re My Favorite Song.
Ang seryeng ito ang kauna-unahang pagkakataong magkakasama sa isang serye sa telebisyon ang ‘CapEath’ na binubuo nina PBB Celebrity Collab Edition 2.0 Kapuso Big Winner Caprice Cayetano at PBB Celebrity Collab Edition 2.0 Kapuso 2nd Big Placer na si Heath Jornales.
Makakasama ng dalawang Kapuso young stars ang kanilang kapwa former housemate na sina Sparkle actors Marco Masa at Clifford.
Nagsama-sama ang cast at ang production team ng inaabangang serye sa naganap na story conference noong Martes, May 12, 2026.
Ang kilalang direktor na si JP Habac ang natokang mag-direk nito lalo’t kilala siya sa GMA 7 bilang romance-comedy director at mahusay magpa-kilig ng mga bagets.
Pagbabalik series din ito bilang “sweet and loving mother” ni Katya Santos na excited sa kanyang role at mga makakasamang mga bata na sa totoong buhay daw ay talagang nais niyang maranasan at magawa.
Ang batikan ding si James Blanco ay excited din sa kanyang casting sa series dahil aniya, “lagi ko ding na-eengkuwentro ang mga situations ng mga batang nagsisimulang ma-discover ang buhay. Masarap magtrabaho sa ganung senaryo,” sey pa nito.
Bukod sa mga bibidang sina Caprice at Heath, makakasama din nila sa upcoming series si Marco Masa na bahagi din ng lead stars ng naturang romantic drama series.
Ang iba pang mga bagets na bibida ay sina Waynona Collings, Andre Fajardo, Lee Victor, Princess Aliyah at Kairo Lazarte.


