Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

BSP: OFW remittances umakyat sa $3.03B noong August

Umakyat a $3.035 bilyon ang cash remittances ng overseas Filipino workers (OFWs) noong August 2026, mas mataas ng 1.9 porsiyento mula sa $2.98 bilyon sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), umabot sa $23.424 bilyon ang kabuuang cash remittances mula January hanggang August, tumaas ng 2.2 porsiyento mula sa $22.909 bilyon noong 2025.

Nanguna ang United States bilang pinakamalaking pinagmumulan ng remittances na may 39.8 porsiyentong bahagi, sinundan ng Singapore sa 7.1 porsiyento at Saudi Arabia sa 6.3 porsiyento.

Samantala, umabot sa $3.372 bilyon ang personal remittances noong August, mula sa $3.307 bilyon noong nakaraang taon.

Mas malawak ang saklaw ng personal remittances dahil kabilang dito ang mga padalang hindi cash at mga remittances sa informal channels, bukod sa mga dumaraan sa bangko.

Patuloy na nakatutulong ang mga padala sa gastusin ng mga pamilyang Pilipino, kabilang ang pagkain, edukasyon, kalusugan at pagbabayad ng utang.

Sinusuportahan din ng remittances ang consumer spending at pagpasok ng dolyar sa ekonomiya.

Gayunman, katamtaman lamang ang paglago ng padala noong August, kaya limitado ang dagdag na tulong nito sa mga gastusin ng mga pamilya. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles