May bagong habol ang collectors ngayong Philippine Independence Day: ang limited-edition 125-Piso Anniversary of Philippine Independence and Nationhood (APIN) Commemorative Coin Set ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Inilabas noong 2023, ang APIN coin set ay binubuo ng tatlong commemorative coins na tumutukoy sa mahahalagang yugto ng pagbuo ng bansa.
Ayon sa BSP, ito ang first colored non-circulation commemorative coins, na ginawa gamit ang latest digital printing technology.
Tampok sa 100-Piso coin ang 1898 Declaration of Philippine Independence.
Nasa 20-Piso coin ang Birth of the First Philippine Republic sa Barasoain Church.
Nasa 5-Piso coin naman ang Valor of Filipinos during the Philippine-American War.
Hindi ordinaryong barya ang nilalaman ng koleksyon. Maituturing itong collector’s item na nagdadala ng kuwento ng kalayaan, pakikibaka, at nationhood sa palad ng may hawak nito.
Mabibili ang buong set sa halagang P6,000.
Para umorder, tumungo lamang sa BSP Store sa https://bspstore.bsp.gov.ph. /Bistado


