Handang makipagdigma si coach Tim Cone sa 20th Asian Games sa Japan kahit wala ang inaasahang naturalized player na si Justin Brownlee.
Bago lumipad patungong South Korea noong Miyerkules para sa dalawang friendly, wala pa rin natatanggap na balita mula sa 38-anyos na si Brownlee kung makakahabol sa sa Aichi Prefecture Games.
Yumuko ang Gilas sa South Korean national team, 81-55, sa Hana Bank Invitational sa Suwon City nitong Biyernes. Sa Linggo ang susunod na laro.
Naghahanda si Cone na gumamit ng labing-isang manlalaro lamang para sa laban na mapanatili ang gintong medalya sa Pilipinas.
“We haven’t had confirmation from Justin whether he’s gonna be here or not. The door is still open for him,” pahayag ni Cone.
Habang hinihintay ang desisyon tungkol kay Brownlee, sinabi ni Cone na wala pa silang na-iisip na ibang manlalaro para punan ang ika-12 at huling puwesto.
“We’ve kept that 12th spot open for Justin if he can make it,” ani Cone.
Nasa Estados Unidos si Brownlee at nagpapagaling mula sa mga injury sa hamstring at tuhod na natamo niya sa PBA Commissioner’s Cup playoffs kung saan nakuha ng Barangay Ginebra ang kampeonato kontra TNT.
Hindi rin naglaro si Brownlee sa fourth window ng FIBA 2027 World Cup Asian qualifiers sa Mall of Asia Arena sa Pasay City ngunit wagi ang Pilipinas kontra Jordan at Iran.
“He’s still working on clearances from doctors in the States, so as soon as that’s all cleared up, we’ll have a clearer picture as well,” dagdag ni Cone.
Sakaling hindi makasama si Brownlee, sinabi ni Cone na handa pa rin ang Gilas Pilipinas sa hamon.
“I think we will be fine. These guys are all willing to play extended minutes. I think 11 is a really good number from a coaching standpoint in terms of not feeling like you have to force some guys who should be out there longer to play less because you want other guys to play, other guys to get satisfied,” sabi ng Gilas coach.
“It’s easier from a coaching standpoint having often times less players than it is having more.”
Biyaheng Japan na ang Gilas sa Setyembre 7, tatlong araw bago sumabak sa Asiad.


