Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

BISTONG KAPALARAN – JUNE 20 

♈ Aries (March 21 to April 20): Panahon na para pumili. Matagal mo nang alam ang tamang direksyon pero may parte sa’yo na umaasang may ibang magdedesisyon. Walang ganun ngayon. Kahit may hindi sumang-ayon, mas gagaan ang pakiramdam mo kapag ikaw mismo ang pumili ng landas mo.  

♉ Taurus (April 21 to May 21): Ang tiwala ang pinakamalaking puhunan mo ngayon. Hindi lahat ng bagay kailangang bantayan o kontrolin. May creative idea o personal plan na mas lalago kapag binigyan mo ng kaunting espasyo para huminga.  

♊ Gemini (May 22 to June 21): Maganda ang mangarap, pero huwag kalimutang tingnan ang presyo, oras, at effort na kasama nito. May usapang bahay, pamilya, o future plans na kailangan ng mas realistic na mata. Kapag pinagsama mo ang vision at practicality, panalo ka.  

♋ Cancer (June 22 to July 22): Huwag mong baguhin ang kuwento para lang makasabay sa crowd. May pressure na makiayon, pero mas mahalaga ang pagiging tapat sa sarili. Ang taong dapat manatili sa buhay mo, tatanggapin ka kahit hindi ka sumasabay sa uso.  

♌ Leo (July 23 to August 23): Pera at bahay ang may magandang galaw ngayon. May breakthrough na matagal mo nang hinihintay, o may practical solution na biglang lilitaw. Sa love, mas attractive ang taong marunong magbigay ng seguridad kesa puro kilig.  

♍ Virgo (August 24 to September 22): Unti-unti nang nawawala ang emotional gulo na matagal kang ginulo. Huwag mong sayangin ang bagong clarity sa pagbalik sa lumang problema. Kapag malinaw na ang sagot, kumilos na.  

♎ Libra (September 23 to October 23): Hindi lahat ng pinagdaanan mo aksidente. May lesson na ngayon mo lang lubos na maiintindihan. Pati style, image, o personal presentation mo pwedeng magbago. Hayaan mo. Mas bagay ito sa bagong version mo.  

♏ Scorpio (October 24 to November 22): May tao o sitwasyong masyadong dominant ang impluwensya sa buhay mo. Oras na para umatras nang kaunti at tingnan kung ano talaga ang gusto mo. Sa love, may bagong koneksyon na may lalim agad mula sa unang usapan.  

♐ Sagittarius (November 23 to December 21): Hindi mo kailangan ng approval panel para gumawa ng desisyon. May pagkakataon ngayon na piliin ang sarili mong direksyon kahit iba ang opinyon ng karamihan. Kapag tumigil ka sa paghingi ng permiso, bibilis ang usad mo.  

♑ Capricorn (December 22 to January 20): May bagong kaalaman, training, o skill na pwedeng magbukas ng mas malaking future. Huwag isipin na huli na para matuto ng bago. Ang risk na kinatatakutan mo ngayon ang pwedeng maging pinakamatalinong move mo ngayong taon.  

♒ Aquarius (January 21 to February 18): Mabilis mong nakikita ang hindi napapansin ng iba, pero bantayan ang selos at comparison. Hindi mo kailangang sukatin ang sarili mo gamit ang tagumpay ng ibang tao. Sa love, malakas ang chemistry pero huwag hayaang maging possessive.  

♓ Pisces (February 19 to March 20): Huwag matakot humingi ng mas magandang deal, mas malinaw na terms, o mas patas na trato. Kapag ikaw mismo ang nagsalita para sa sarili mo, mas malaki ang makukuha mo. May magandang balita rin mula sa taong nasa malayo o may koneksyon sa paglalakbay.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles