♈ ARIES (March 21–April 19) – Ilabas ang energy sa creative projects, arts, pakikipag-socialize at masasayang aktibidad kasama ang mga bata. Maghinay-hinay sa mahahalagang desisyon at bantayang mabuti ang iyong mga kilos.
♉ TAURUS (April 20–May 20) – Iwasan ang kontrobersiyal na usapan at seryosong desisyon. Ituon ang pansin sa bahay at pamilya, at mag-relax sa lugar kung saan komportable at panatag ka.
♊ GEMINI (May 21–June 20) – Gumalaw-galaw para mailabas ang naiipong tensiyon. Mag-ingat sa sinasabi at ginagawa dahil posibleng maging accident-prone ka. Mas magandang magpahinga o mag-entertain sa bahay.
♋ CANCER (June 21–July 22) – Malakas ang kagustuhan mong ibahagi ang iyong mga ideya, lalo na tungkol sa kita, cash flow at personal wealth. Pakinggan ang ibang opinyon bago gumawa ng financial move.
♌ LEO (July 23–August 22) – Mag-enjoy sa sports at iba pang physical activities kasama ang mga kaibigan. Maaaring matukso kang bumili ng damit, alahas o art pieces, pero hindi ito magandang araw para mag-shopping.
♍ VIRGO (August 23–September 22) – Malakas ang ambisyon at determinasyon mong makuha ang gusto mo. Huwag munang bumili ng bagong damit o mamahaling gamit. Maaaring makatulong ang pakikipag-usap sa isang mas batang tao.
♎ LIBRA (September 23–October 22) – Popular ka ngayon at magandang makipagkuwentuhan o makihalubilo sa mga kaibigan. Iwasan lamang ang shopping at importanteng desisyon. Enjoyin muna ang magaan na samahan.
♏ SCORPIO (October 23–November 21) – Maganda ang impresyon mo sa ibang tao, kaya paborable ang panahon para sa interviews at paghingi ng approval. Pero ipagpaliban muna ang mismong pagdedesisyon at gamitin ang araw sa pagbuo ng creative ideas.
♐ SAGITTARIUS (November 22–December 21) – Iwasan ang financial decisions at pagbili ng hindi kailangan. Maganda ang relasyon mo sa boss o taong may awtoridad, pero kailangan ng dagdag na pasensiya sa partner at malalapit na kaibigan.
♑ CAPRICORN (December 22–January 19) – May energy kang magtrabaho, pero huwag munang pumayag sa mahalagang kasunduan o boluntaryong umako ng bagong responsibilidad. Limitahan ang gastos sa pagkain at mga pangunahing pangangailangan.
♒ AQUARIUS (January 20–February 18) – Gusto mong magsaya, pero maaaring tumindi ang tensiyon sa pagitan mo at ng partner o malapit na kaibigan. Ilabas ang nararamdaman sa arts at creative activities, at maglaan ng tahimik na oras sa sarili.
♓ PISCES (February 19–March 20) – Magandang araw para mag-relax kasama ang mga kaibigan. Kung kailangan mong magtrabaho, piliin ang gawaing hindi nangangailangan ng maraming desisyon. Huwag munang magsimula ng bagong direksiyon at iwasan ang hindi mahalagang gastos.


