Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

BINI, binigyan ng recognition ng Senado

Dumalo ang lahat ng walong miyembro ng grupong BINI sa Senado noong Miyerkules, May 6 para sa natatanging recognition sa kanilang achievement recently.

Sa pamamagitan ng Senate Resolution 370 sa ilalim ng sponsorship ni Senador Bam Aquino, nire-recognize ang sikat na girl group ng bansa sa makabuluhang honor at achievement na nagawa nito para sa bansa dahil sa matagumpay nilang partisipasyon sa katatapos lang COACHELLA Music Festival sa USA.

Ang nasabing music festival ang ngayo’y itinuturing na pinaka-grandioso o kinikilalang pinaka-sikat sa buong mundo kung saan iniimbitahang mag-perform ang lahat ng mga sikat na singers-artists-performers sa buong mundo.

Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Aquino na ang tagumpay ng BINI ay patunay ng galing ng mga Pilipino sa pandaigdigang entablado.

Hindi naman halos makapaniwala ang walong members ng grupo sa nasabing parangal.

Proud na proud ang mga members na sina  Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, Jhoanna, at Sheena, sampu ng kanilang mga pamilya at management sa karangalang ipinagkaloob sa kanila ng Senado.

Ayon kay BINI leader Jhoanna Robles, sobrang overwhelming para sa kanila ang mainit na pagtanggap ng mga senador.

Sey nito, “kasi parang ‘yun ngang sinabi ni Senator Loren Legarda kanina na sanay kaming makita na sobrang serious nila, and kanina nagbibiruan sila. And also sobrang grateful kami kasi di namin in-expect na mangyayari ‘to, na makakatungtong kami sa ibang stage, sa Senate naman. So thank you po sa pagkilala.”

Nagkanya-kanyang kuwento ang mga Senador sa kung paano nilang nakilala ang grupo nang dahil na rin sa kanilang mga anak o kapamilya. Ilan nga dito sina Joel Villanueva, Raffy Tulfo, Erwin Tulfo, Risa Hontiveros, Jinggoy Estrada, Loren Legarda, at Kiko Pangilinan, na amaze na amaze din sa popularidad ng grupo.

Kahit ang Senate President na si Tito Sotto ay walang nagawa sa ruling nila sa Senado na bawal ang pumalakpak subalit dahil bahagi naman daw ng pagkilala sa mga entertainers ay pagbibigyan na niya lahat na pumalakpak sa BINI.

Samantala, binigyang-diin ni Hontiveros ang papel ni BINI member Mikha sa pag-promote ng mental health at safe spaces, lalo na para sa kababaihan.

“Young women really do have a good role model in all of you,” ani Hontiveros.

Nagpasalamat din si Mikha sa pagkilala at sa pagbibigay pansin sa kapakanan ng mga artista.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles