Kumalat sa apat na sulok ng showbiz this weekend ang diumano’y mga isyu hinggil sa “on and off” na wedding date nina Bea Alonzo at Vincent Co na dapat ay magaganap sa Spain.
Nagsimula sa isang blind item sa socmed na very obvious ang reference sa kilalang aktres at high-profile na negosyante, na tahasang pinangalanan ng showbiz website na PEP bilang sina Bea at Vincent nga.
Ayon sa PEP, mayroon silang mga reliable sources na nagkumpirma sa pagiging “urong-sulong” ng kasalan na supposedly ay mangyayari ngayong third week ng May sa bansang Spain.
Ang cited reason ay may kaugnayan sa isyu ng “pre nuptial” agreement na noong umpisa pa lang umano ay natagalan na.
Sinasabing may naging pagtutol daw ang parents ni Vincent sa ilang nakasaad sa pre-nup partikular na ang ina ng lalaki na nag-demand umano na after ng kasal ay dapat manirahan ang mag-asawa sa bahay ng lalaki kasama ang buong pamilya Co.
Ayon sa report, hindi umano ito nagustuhan ni Bea.
May naka-stipulate pa rin umano sa sinasabing “pre-nup” na hindi dapat magkaroon ng anumang kaugnayan sa mga negosyo ng pamilya ng lalaki ang aktres and vice versa sa career naman ni Bea.
At ang pinagtatalunan diumanong usapin ay may kinalaman pa rin sa halaga ng pera na mayroon ang bawat isa at kung ano lang daw ang mga dapat na “conjugal” lang once na sila’ maikasal.
Kilalang aktres si Bea at isa sa pinaka-mayamang babaeng artista sa Pilipinas. Sa katunayan, napabilang siya sa listahan ng pinaka-mayayamang babae sa bansa na may asset na umaabot ng bilyong piso.
Ayon pa ulat ng PEP, may mga invited friends and VIP na biglang nagkansela ng kanilang mga biyahe papuntang Spain nang dahil sa ulat na muling pinag-uusapan ang isyu sa ‘prenup,’ na naging dahilan para maging “urong-sulong” ang petsa ng kasal.
Samantala, may mga supporters naman ang couple na nagsasabing inililigaw lang umano ng dalawa ang public sa sobrang pagtutok sa kasalan isyu dahil anila, “nagkaroon na sila ng seremonyang kasal sa bansa.”
May mga bashers namang kinukwestyon ang “love” ni Vincent kay Bea habang marami naman ang naaawa sa aktres dahil lagi na lang daw itong tila nabibiktima ng isyu sa pre nup.
Sinubukan ng BISTADO na kunan ng pahayag o reaksyon ang manager ni Bea na si Ms. Shirley Kuan, subalit hindi pa ito nagbibigay tugon habang sinsulat ang balitang ito.
Aabangan ng BISTADO ang mga susunod na kaganapan sa mala-teleseryeng love story nina Bea at Vincent.


