Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Bill para sa libreng board, civil service exams para sa mahihirap at IPs, passado na sa Kamara

Pasado na sa third and final reading sa House of Representatives ang panukalang magbibigay ng libreng professional licensure at civil service examinations sa qualified indigents, indigenous peoples, at indigenous cultural communities. Inaprubahan ang House Bill No. 8869, o proposed “Free Professional Examinations Act,” sa botong 266 pabor, zero kontra, at isang abstention.  

Layunin ng panukala na tanggalin ang isa sa pinakamabigat na hadlang sa mahihirap at marginalized Filipinos na gustong maging licensed professionals o makapasok sa government service: ang bayad sa examinations ng Professional Regulation Commission at Civil Service Commission.

Sa ilalim ng liderato nina Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III at House Majority Leader Ferdinand Alexander “Sandro” A. Marcos ng Ilocos Norte, inaprubahan ng Kamara ang bill na substitute ng ilang naunang panukala sa parehong layunin.

Ayon kay Marcos, maraming Pilipino ang may talino, sipag, at pangarap, pero napipigilan dahil walang pambayad sa exam.

“Marami tayong kababayan na matalino, masipag at may pangarap, pero hindi man lang makapag-exam dahil kapos sa pera. Hindi dapat pera ang maging hadlang para makapagtrabaho at umasenso ang isang Pilipino,” ani Marcos.

“This measure is about giving every qualified Filipino a fair chance to become a professional, secure better employment, and uplift their families through education and hard work,” dagdag niya.

Sa panukala, exempted ang qualified indigents sa written examination fees para sa PRC licensure examinations at CSC eligibility examinations. Sakop din ang members ng indigenous peoples at indigenous cultural communities, basta may certification mula sa National Commission on Indigenous Peoples na nagpapatunay ng membership at qualification.  

Para maging qualified, kailangan ng indigent applicants ng Certificate of Indigency mula sa kanilang barangay o local social welfare office. Dapat itong ibigay nang libre. Para sa indigenous applicants, maaaring gamitin ang certification mula sa NCIP.

Nilinaw ng bill na written examination fees lamang ang libre. Kung may practical examination fees o miscellaneous charges, kokolektahin pa rin ang mga ito kung applicable.

Inaatasan din ng panukala ang Department of Social Welfare and Development, PRC, CSC, at NCIP, sa koordinasyon ng Philippine Information Agency, na magsagawa ng annual information and education campaigns para malaman ng eligible beneficiaries ang programa.

Kailangan ding magsumite ang concerned agencies ng annual reports sa Congress tungkol sa bilang ng beneficiaries at social impact ng measure.

Ayon kay Marcos, ang approval ng bill ay bahagi ng layunin ng House na gawing mas abot-kaya ang education, employment, at professional advancement para sa ordinaryong Pilipino.

“Kapag nabigyan natin ng pagkakataon ang mas maraming Pilipino na maging propesyonal, mas marami rin tayong pamilyang matutulungan makaahon sa hirap. Investment ito sa tao, sa trabaho, at sa kinabukasan ng bansa,” ani Marcos. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles