Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Big-time rollback: Gasolina bawas ₱4.70/L; diesel ₱4.30/L

Malaking ginhawa sa mga motorista ang sasalubong ngayong Martes, August 11, matapos magpatupad ang mga oil company ng rollback na aabot sa ₱4.90 kada litro.

Epektibo alas-6 ng umaga, bababa ng ₱4.70 kada litro ang presyo ng gasolina at ₱4.30 kada litro ang diesel.

Sa kerosene, magpapatupad ang Shell at Petron ng ₱4.90 kada litrong bawas, habang ₱4.88 kada litro naman ang rollback ng Seaoil.

Kinumpirma ng Shell, Petron, Seaoil, Jetti Petroleum at Petro Gazz ang kaparehong ₱4.70 rollback sa gasolina at ₱4.30 bawas sa diesel. Hindi nagbebenta ng kerosene ang lahat ng naturang kumpanya.

Inaasahang susunod din ang ibang oil retailers.

Ayon sa Department of Energy (DOE), ang price adjustments ngayong linggo ay:

Gasolina — bawas ₱4.70 kada litro

Diesel — bawas ₱4.30 kada litro

Kerosene — bawas ₱4.88 hanggang ₱4.90 kada litro

Ikalawang sunod na linggo na ito ng across-the-board rollback. Noong nakaraang linggo, bumaba rin ang fuel prices ng humigit-kumulang 60 sentimos hanggang ₱2.10 kada litro.

Iniugnay ang panibagong rollback sa pagbaba ng crude at refined fuel prices sa international market, kasabay ng pag-asang bubuti ang shipping conditions sa Middle East.

Gayunman, nananatiling volatile ang global oil market dahil sa nagpapatuloy na tensyon sa pagitan ng United States at Iran at kawalan ng katiyakan sa muling pagbubukas ng Strait of Hormuz, isang mahalagang daanan ng pandaigdigang oil supply.

“With the recent rally in crude prices due to uncertainty over the reopening of the Strait of Hormuz and resumption of flows from the Middle East, diesel and gasoline have likewise rebounded as structural tightness remains,” pahayag ni Jetti Petroleum president Leo Bellas. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles