Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

BI, iniimbestigahan ang umano’y panghihimasok ng mga dayuhan sa resort sa Subic

Nag-utos ng imbestigasyon ang Bureau of Immigration (BI) kaugnay ng umano’y pagkakasangkot ng mga dayuhan sa tangkang pagpasok at pagkontrol sa isang pribadong resort sa Subic Bay Freeport noong April 8.

Ipinag-utos ni BI Commissioner Joel Anthony Viado ang beripikasyon ng pagkakakilanlan, immigration status, at mga aktibidad ng mga sangkot sa insidente.

Kabilang sa iniimbestigahan ang isang Amerikanong si Timothy Desmond, na iniulat na bahagi ng grupong nagtangkang pumasok sa nasabing pasilidad.

“We will not allow foreign nationals to exploit their presence in the country to interfere in domestic affairs or disrupt public order,” pahayag ni Viado.

Kasabay nito, iniutos din ng BI chief ang pagsusuri sa visa status at travel history ng mga sangkot, pati ang pagbusisi kung may sapat na basehan para isama sila sa immigration watchlist o blacklist.

Sinabi rin ng BI na maaaring simulan ang deportation proceedings kung mapapatunayang lumabag ang mga dayuhan sa mga batas sa imigrasyon ng Pilipinas.

Ipinaalala ng ahensya na mahigpit na ipinagbabawal sa mga dayuhan ang paglahok sa mga aktibidad na lampas sa saklaw ng kanilang pinahihintulutang pananatili sa bansa, kabilang ang pakikialam sa lokal na usapin o pagtatangkang kontrolin ang mga pribadong entidad nang walang legal na batayan.

“Any foreign national found to have abused the privilege of staying in the country will be dealt with accordingly, including deportation and blacklisting,” dagdag ni Viado. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles