Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Batas para sa libreng kolehiyo, pinalawak

Umabot na sa 2.6 milyon ang mga benepisyaryo ng Free Higher Education sa unang semestre ng kasalukuyang academic year, ayon kay Pangulong Ferdinand  Marcos Jr.

Inihayag ito ni Marcos sa ceremonial signing ng mga amyenda sa Universal Access to Quality Tertiary Education Act (UAQTEA) sa Malacañang noong Biyernes. Layunin nitong palawakin ang tulong sa mga kumukuha ng college at vocational courses.

“We have increased Free Higher Education beneficiaries from two million students to now 2.6 million students in the first semester of this academic year,” ani Marcos.

Binanggit din niya ang Bagong Pilipinas Merit Scholarship Program, na inilunsad noong Enero para sa outstanding senior high school graduates na kukuha ng priority degree programs o priority Technical-Vocational Education and Training (TVET) diploma programs.

Sa pamamagitan naman ng Department of Science and Technology-Science Education Institute (DOST-SEI), tumaas umano ang bilang ng undergraduate scholars mula sa humigit-kumulang 45,000 noong School Year 2022-2023 tungong 48,520 noong School Year 2025-2026.

Ayon kay Marcos, 12 kolehiyo lamang sa Pilipinas ang nakapasok sa World University Rankings for Innovation noong 2022. Umabot na umano ito sa 140.

“Today, 140 of our colleges have made it into the same rankings. This is a result of deliberate choices that have been made by government,” aniya. “Tulad lang ng nabanggit ko sa aking SONA ngayong taon, ang edukasyon pa rin ang pangunahing nagtataguyod ng kakayahan, kung kaya ito ang nangunguna sa listahan ng aking administrasyon.”

Dumalo sa seremonya sina Commission on Higher Education (CHED) Chairperson Shirley Agrupis, Senate President Sherwin Gatchalian, House Speaker Faustino “Bojie” De Guzman Dy III, mga mambabatas, mga opisyal ng gabinete, student beneficiaries, at iba pang stakeholder.

Inatasan ng Pangulo ang CHED, Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Unified Student Financial Assistance System for Tertiary Education (UniFAST) at iba pang kinauukulang ahensya na tapusin ang implementing rules and regulations sa itinakdang panahon at tiyakin ang maayos na pagpapatupad ng mga amyenda.

“At sa ating mga benepisyaryo, ang mahabang landas ay nasa inyong harapan, ngunit hindi ninyo kailangan maglakad nang nag-iisa. Narito ang inyong pamahalaan upang tulungan kayong makapasok, manatili, at makatapos sa paaralan o pagsasanay,” ani Marcos. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles