Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Bank secrecy di harang sa impeachment – Diokno

Hindi puwedeng gamiting panangga ang Bank Secrecy Law para ilihim ang bank records na mahalaga sa impeachment case, iginiit ni House prosecutor at Akbayan Rep. Chel Diokno nitong Miyerkoles.

Sa oral arguments ng prosecution para sa hinihinging subpoenas, sinabi ni Diokno na kinikilala mismo ng batas ang impeachment bilang exception sa pagiging confidential ng bank deposits.

“Kahit ang Bank Secrecy Law ay sumusunod at tumatalima sa Impeachment Court,” ani Diokno.

Tinukoy niya ang malinaw na probisyon ng Republic Act (RA) No. 1405 o Bank Secrecy Law.

“The law explicitly states, and I quote its pertinent portions: ‘All deposits… are hereby considered as of an absolutely confidential nature… except… in cases of impeachment.’”

Dahil dito, iginiit ni Diokno na may kapangyarihan ang Senado, na nakaupo bilang Impeachment Court, na ipalabas at suriin ang bank records na may kaugnayan sa kaso ni Vice President Sara Duterte.

“Walang kaduda-duda. May karapatan at kapangyarihan ang Impeachment Court na busisiin ang bank records ni VP Sara.”

Ayon kay Diokno, nagmumula mismo sa Konstitusyon ang kapangyarihan ng Impeachment Court na magpasya kung kuwalipikado pa ang matataas na opisyal ng bansa na manatili sa puwesto.

“The Constitution vests this Impeachment Court with extraordinary powers.”

Iginiit niyang hindi maaaring bawasan ng ordinaryong batas o administrative rules ang awtoridad na direktang ipinagkaloob ng Konstitusyon.

“Because this power comes directly from the Constitution, no one—no person, no law, and no administrative rule—can limit or supersede it.”

Tinanggihan din ni Diokno ang argumento na haharang ang Data Privacy Act sa pagpapalabas ng subpoenas para sa hinihinging records.

“Hindi rin po hadlang ang Data Privacy Act.”

Binanggit niyang pinapayagan mismo ng batas ang disclosure ng personal information kapag kailangan ito alinsunod sa subpoena na wastong inilabas.

“The law itself affirms that confidentiality shall not apply… should the personal information be needed pursuant to a subpoena duly issued.”

Ipinaliwanag ni Diokno na hindi humihingi ang prosecution ng bagong kapangyarihan para sa Impeachment Court. Hinihiling lamang nitong gamitin ng mga senator-judge ang awtoridad na kinikilala na ng Konstitusyon at mga batas.

“Sa proseso ng impeachment, ang pananagutan sa taumbayan ang pinakamahalaga sa lahat. Mas matimbang ito kaysa personal na interes ng sinumang opisyal na inaakusahan.”

Hiniling ng prosecution na maglabas ang impeachment court ng subpoenas para masuri ang bank records, tax records at mga ulat ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) na may kaugnayan sa kaso.

“Kaya naman po, ang hiling namin sa Korte: Gamitin ang inyong natatanging karapatan at kapangyarihan na busisiin ang bank records, tax records, at AMLC reports… Sa ganitong paraan, madedesisyunan ninyo ang kaso base sa buong katotohanan—the truth, the whole truth, and nothing but the truth—para sa interes at kapakanan ng sambayanang Pilipino.”

Wala pang inilalahad na desisyon ang Impeachment Court sa hinihinging subpoenas sa oral arguments na tinukoy sa pahayag. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles