Muling nanawagan ang Baguio City Health Office sa mga residente na panatilihin ang kalinisan sa kanilang bahay at paligid para maalis ang mosquito breeding sites at maiwasan ang dengue.
Ayon kay City Health Officer Dr. Celia Flor Brillantes, ang pagsira sa breeding grounds ang pinakaepektibong paraan para hindi maging adult mosquitoes ang larvae.
Giit ni Brillantes, dapat buong taon ang clean-up drives at hindi seasonal effort lang.
“The best and proven remedy against dengue is cleanliness —destroying mosquito breeding sites to ensure that larvae do not become mosquitoes and again breed which will increase the possibility of biting more people and causing dengue to many,” ani Brillantes sa isang panayam.
Mula Enero hanggang Abril ngayong taon, nakapagtala ang Baguio City ng 141 dengue cases. Mas mababa ito kumpara sa 325 cases sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Pero babala ni Brillantes, hindi dapat maging kampante ang mga residente. Aniya, ang unang mga ulan ay maaaring magdulot ng population surge dahil nangingitlog ang mosquitoes kada tatlong araw sa natural at artificial water containers.
May dengue alert na ring itinaas sa Barangay Irisan, ang pinakamalaking barangay ng lungsod, matapos ang high entomologic survey ng larvae surveillance.
Kahit hindi pa rainy season, nakapagtala na ang barangay ng 12 cases. Dahil dito, hinimok ang mga residente na makiisa sa pagsira sa breeding sites.
Pinayuhan din ni Brillantes ang publiko na bantayan ang mga sintomas gaya ng high fever na 40°C, pounding headaches, eye and joint pains, vomiting, at rashes na karaniwang lumalabas sa ikapitong araw ng lagnat.
Rekomendasyon niya, magpakonsulta kung tumagal ang lagnat nang hindi bababa sa dalawang araw para matiyak ang kaligtasan. /Bistado


