Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Babala ng SEC: Fake AI videos ni Mayor Vico ginagamit sa investment scams

Nagbabala ang Securities and Exchange Commission (SEC) sa publiko laban sa AI-generated videos, images, social media posts, at online ads na pekeng gumagamit sa mukha, boses, image, at persona ni Pasig City Mayor Vico Sotto para manghikayat ng investment.

Ayon sa SEC, may mga online accounts at social media pages na nagpapakalat ng materials na tila nagpapakitang si Mayor Vico ay nag-eendorso, nagpo-promote, naggagarantiya, o nanghihikayat ng investments at iba pang financial opportunities.

Pero ayon sa Commission, ang mga naturang video at image ay maaaring generated, altered, manipulated, o enhanced gamit ang artificial intelligence technology.

Layunin umano nitong lumikha ng maling impresyon na si Mayor Vico ay may basbas o garantiya sa investment schemes.

May ilan din umanong materials na nangangako ng guaranteed profits o fixed monthly returns.

Dito mariing nagpaalala ang SEC: hindi patunay ng lehitimong negosyo ang paggamit ng mukha, pangalan, boses, o likeness ng isang public official.

Ayon sa SEC, ang ganitong representations ay maaaring false, misleading, at ginawa para mahikayat ang publiko na maglabas ng pera sa unauthorized o posibleng fraudulent schemes.

Nilinaw din ng Commission na ang unauthorized use ng identity, image, o likeness ng isang public official ay hindi katumbas ng legitimacy, registration, o regulatory approval.

Kaya kung may video o post na mukhang si Mayor Vico ang nagsasabi na mag-invest, huwag agad maniwala.

Pinayuhan ng SEC ang publiko na huwag makipag-engage, mag-share, o mag-invest sa anumang scheme batay lang sa endorsements na lumalabas sa online videos, social media posts, advertisements, o messaging applications.

Huwag ding magpadala ng pera, magdeposito ng funds, magbigay ng personal information, o magbukas ng account batay lamang sa ganitong materials.

Bago mag-invest, kailangang i-check kung rehistrado sa SEC ang kumpanya at kung may authority itong mag-alok o magbenta ng securities o investment contracts sa publiko.

Dapat ding tiyakin kung rehistrado at authorized ang mga broker, dealer, salesmen, associated persons, investment advisers, o investment adviser representatives na sangkot sa alok.

Kailangan ding kumpirmahin kung ang investment product ay may tamang regulatory approval kung required ito ng batas.

Pinaalalahanan ng SEC na ang pangakong guaranteed returns, risk-free profits, fixed monthly income, o extraordinary earnings na halos walang risk ay karaniwang senyales ng investment fraud.

Pinayuhan din ang publiko na i-report ang kahina-hinalang ads, social media pages, websites, online accounts, at investment solicitations sa tamang awtoridad.

Para sa verification at reports, maaaring bumisita sa official SEC website at SEC iMessage portal. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles