Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Ateneo student managers, ball boys maaaring matanggal sa hazing case

Ang Department of Justice (DOJ) ang magpapasya kung aalisin sa talaan ng kakasuhan ang dalawang student managers at dalawang ball boys kaugnay ng pagkalunod ng student-athletes na sina Rene Baterbonia at Divine Adili.

Inirekomenda ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang pagsasampa ng kaso ukol sa paglabag sa anti-hazing laban sa mga miyembro ng men’s basketball coaching staff ng Ateneo de Manila University, kabilang ang dating head coach na si Tab Baldwin.

“Bagamat ito ang aming naging rekomendasyon, maaari pa ring maalis sa listahan ng kakasuhan ang ilang mga kasama sa aktibidad, lalo kung maipapakita na hindi nila alam ang masamang layon nito,” paglilinaw ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla sa press briefing sa Camp Crame sa Quezon City.

“Ang pinakamahalaga sa amin ay mapanagot ang siyang mga nag-plano at sinadyang pahirapan ang mga student-athlete (The most important thing is to hold accountable those who planned and deliberately subjected the student-athletes to the abusive training).”

Binigyang-diin ni Remulla na maaaring alisin ng DOJ, matapos ang sarili nitong pagsusuri, ang ilang indibidwal sa listahan ng mga respondent, tulad ng mga student manager na sina Paolo Manuel Adevoso at Andrew Lorenzo Salud at utility/ball boys na sina Aris Prince at Joel Rapa.

Maaari silang ituring na mga testigo, sa halip na mga akusado, kung may mabibigay na mahalagang testimonya ukol sa team building sa Dipaculao, Aurora noong Hunyo 8.

Ipinaliwanag ni Remulla na sa ilalim ng Anti-Hazing Act, ang presensya lamang ng isang tao sa mismong hazing ay itinuturing na prima facie (sa unang tingin) na ebidensya ng kanyang pakikilahok bilang principal.

Sinabi ng kalihim na may tungkulin ang mga administrador ng paaralan na kumilos in loco parentis, o bilang kapalit ng mga magulang, upang matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng mga estudyante.

Aniya, dapat matukoy ng mga imbestigador kung nabigo ang mga opisyal ng unibersidad na pigilan ang aktibidad na na-uwi sa pagkamatay ng dalawang student-athletes at nagdulot ng trauma sa iba pang mga kalahok.

Nilinaw rin ni Remulla na wala sa iba pang manlalaro na lumahok sa training exercise ang inirekomendang kasuhan at inilarawan silang mga biktima rin ng marahas na pagsasanay.

“Sila ay pawang mga biktima rin ng marahas na training na naganap,” ani Remulla.

Idinagdag niya na bagama’t nakatuon ang kaso sa legal na pananagutan, nag-iwan din ang trahedya ng pangmatagalang emosyonal at sikolohikal na epekto sa mga nakaligtas.

Bukod kay Baldwin, inirekomenda rin sampahan ng kaso sina physical therapist John Eric Rueca; strength and conditioning coaches Grant Dearns at Caesar Vincent Elumba; at assistant coaches Dean Caesar Castaño, Sandro Nicholas Soriano at Reynaldo Jacinto Jr.

Inilibing na si Baterbonia, 18, sa Agusan del Sur noong Hunyo 24 at si Adili, 21, sa Nigeria noong Hunyo 26.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles