Pinagmulta ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang Arthaland Corporation ng P746,616 dahil sa mga pagkakamali sa financial reporting nito.
Nag-ugat ang parusa sa mga maling datos sa cash flow section ng audited financial statements ng property developer para sa 2024, na saklaw ng Rule 68 ng Revised Securities Regulation Code.
Ayon sa Arthaland, naitama na nito ang mga naturang datos sa consolidated audit report para sa 2025. Gayunman, iginiit ng SEC na hindi inaalis ng mga ginawang pagwawasto ang pananagutan at kaukulang parusa para sa mga naunang maling pahayag sa financial report. /Bistado


