Matapos sumabog sa social media ang kontrobersyal na romansa ni Apple David sa basketbolistang si Chad Gammad, marami na rin ang mga nagsulputang ‘tsika’ kaugnay sa kilalang TV personality.
Isa na nga dito ang tsikang may mga taga-showbiz din umanong naka-relasyon ang 33-anyos na PBA courtside reporter, bago pa man siya naugnay sa 18-anyos na NCAA player na si Gammad.
Hirit ng kanyang mga supporter, “para namang bago ang ganyang kalakaran sa showbiz man o sports o politics. Nagma-matter pa ba ang agwat ng edad sa dalawang tao na nagmamahalan? Ang importante hindi na minor si Gammad.”
Dagdag pa ng ilan, “sa showbiz nga para lang nagpapalit ng damit ang mga artista. Anong magagawa mo kapag lapitin o ligawin talaga ang isang tao?”
Hindi man pinangalanan ang sinasabing nasa showbiz na ngayong naka-relasyon din ni Apple, marami naman ang nagsasabing marahil ay isa din itong basketball player na nag-cross over ng career sa showbiz.
Meanwhile, hindi na rin pinatulan pa ni Apple ang naging ‘tirada’ sa kanya ni Ira Pablo, dati din niyang kasama sa PBA bilang courtside reporter.
Sa naging post ni Ira sa kanyang socmed ay binigyan niya ng unsolicited advice si Apple at pinaalalahanan ng pagiging “professional dapat” sa trabaho, so much more na huwag dapat ma-involve sa mga personalidad na kanyang ginagawan ng trabaho.
Matatandaang nagkaroon ng hidwaan ang dalawa dahil sa isyung “bullying” na naging sanhi nga daw ng pagkakatanggal ni Ira bilang PBA reporter dahil sa pagiging mataba daw nito.
Marami naman sa mga supporter ni Apple ang patuloy na humahanga sa reporter dahil pinaninindigan daw nito ang totoong nararamdaman sa basketbolista na mayroong 15- year age gap sa kanya.
Isang Fil-Canadian player si Gammad na naglalaro para sa San Juan de Letran sa NCAA.
Wala ring reaksyon si Gammad sa mga nangyayaring palitan at kantiyawan sa socmed tungkol sa kanyang private love life dahil ani ng mga supporter niya, “mas gusto naming mapatunayan niyang magaling siyang player at may future sa laro, hindi sa tsismis sa buhay pag-ibig niya.”


