Todo-tipid ang AirAsia Philippines sa 10.10 sale nito na nag-aalok ng one-way base fares na nagsisimula sa P160 para sa domestic at international flights. Pwedeng gamitin ang tickets sa mga biyahe hanggang August 31, 2027.
Bukas ang booking mula October 5 hanggang 11, 2026, kaya puwedeng magpareserba nang mas maaga para sa Undas, Christmas, New Year at iba pang trips sa susunod na taon.
Sa domestic routes mula Manila, nagsisimula sa P160 ang pamasahe papuntang Kalibo at Bacolod.
Nasa P250 naman ang starting fare papuntang Cebu at Tacloban, P260 sa Iloilo, P380 sa Cagayan de Oro at P430 sa Boracay.
Para sa international destinations, may one-way promo fares na nagsisimula sa P730 papuntang Kaohsiung, P830 sa Macau at P1,390 sa Taipei.
Timing ang promo bago ang Undas 2026, kung kailan karaniwang dagsa ang mga biyaherong umuuwi sa kani-kanilang probinsya o bumibisita sa pamilya.
Dahil hanggang August 2027 ang travel period, sakop din ng sale ang marami pang long-weekend at vacation dates sa susunod na taon.
Habang patuloy na mataas ang fuel costs na nakaaapekto sa airline operating expenses, mas malaki ang tsansang makatipid ang passengers kung maagang magbu-book at flexible sa travel dates.
Limitado ang promo seats at maaaring mag-iba ang final fare depende sa travel date, availability at iba pang charges. /Bistado


