Patuloy na pinag-uusapan ng mga nakaka-kilala kina Konsehal Aiko Melendez at talent manager-vlogger Ogie Diaz ang naging pagtatapos ng kanilang artist-manager relationship.
Hindi man sinagot ng Quezon City Councilor at mahusay na aktres ang tanong ng marami kung may kinalaman ba ang mga respective ‘political views and principles’ nila sa kanilang business partnership, marami naman ang nag-iisip na malaking factor umano ito.
Si Ogie Diaz ay hindi lang nakilala bilang isang mahusay na showbiz reporter at manager kundi naging tanyag din ang kanyang mga opinyon at mga pagpupuna sa gobyerno at mga tao dito, at aminado din siyang isang ardent supporter ng Pinklawan ni dating VP Pres. Leni Robredo.

Sa kabilang banda, si Konsehal Aiko ay lantad din namang supporter ni dating Pangulong Digong Duterte, thus making her a DDS.
Ayon sa mga showbiz observers, hindi nga naman healthy na makitang ni-re-represent ni Diaz bilang artist si Aiko kung may mga disagreements sila sa puntong politikal na posibleng makaapekto sa delivery ng trabaho ng isa’t-isa.
Sa naging Facebook post ni Aiko noong Miyerkules, Agosto 12, sinabi nitong dumating na sila ni Diaz sa puntong kailangan na nilang tahakin ang magkahiwalay na direksyon sa kanilang business life.
Pahayag ni Aiko, “My manager Ogie Diaz and I have reached a crossroads in our business life, and we have chosen to take separate roads.”
Subalit pinagdiinan ng aktres-pulitiko na hindi daw naapektuhan ng naging desisyon nilang maghiwalay ang maganda nilang ‘friendship.’
Paglilinaw nito, “Though one thing remains unchanged, we are still good friends. I deeply value the friendship we have built through the years. Always grateful to Ogie, for the friendship, trust, and memories we’ve shared and will share.”
Halos umabot din ng mahigit tatlong taon ang professional relationship ng dalawa bilang artista at talent manager. Pumirma ng kontrata kay Ogie si Aiko noong Marso 10, 2023.
Samantala, sa kanyang personal vlog naman nitong August 13, klinaro ni Diaz na ämicably silang nag-settle ni Aiko.
Saad niya, “Si Aiko Melendez ay maayos na nagpaalam through Viber message na magko-concentrate siya sa politics; at ‘yung mga gusto niyang mangyari sa buhay niya, mga gusto niyang direksyon. [Para] ‘yung gusto niyang tahakin sa politika ay magawa niya.”
“Magkaiba kami ng kulay sa politika ni Aiko. May mga bumibira sa kanya kung bakit ‘di kami magkasundo sa kulay niya. Gano’n din naman sa akin, bakit daw ‘di kami magkasundo sa kulay ko. Dapat daw kakulay ko si Aiko or kakulay ako ni Aiko—hindi po. Hindi naman po kami para tibagin ng kung anong kulay mo sa politika,” dadgag pa ni Diaz na sinabi ding hindi yun ang dahilan kung bakit nagtapos ang business nila bilang artist-manager.


