Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Kim Chiu, dedma sa isyu ng kapatid, mas piniling makipag-eklayan sa netizen

Sa gitna nga ng gusot sa kapatid na hanggang ngayon ay naka-detine sa isang prison facility sa Quezon City, tila mas pinili ni Kim Chiu ang mang-eklay ng netizen.

Nag-viral ngayon ang inilabas na video (ayon sa mga nakakakilala sa aktres-host ay luma na daw ito) ni KIm kung saan nakasuot siyang t-shirt at shorts na hanggang tuhod, maiksi ang buhok na parang isang tomboy at buntis ang peg.

Sa isang eksena ay may nakasukbit sa kanyang kili-kili na diyaryo habang hawak-hawak niya ang isang orange mug glass (kakulay ng mug shot ng kapatid na nakakulong ngayon). 

Tanong ng ilang netizen, “nang-iinis ba si Kim sa kapatid na nakakulong?”

Mas payat si Kim sa naturang video at medyo may manipis siyang bigote.

Ang sey ng ilan, kuha daw yun sa isang project na gumanap siyang isang tomboy o posibleng part ng isang pakikipag-playtime niya noong araw.

Sa isang shot naman ay makikita siyang sumasayaw at nag-gi-giling giling na parang sayaw “spaghetting pababa at pataas.”

Ayon naman sa iba na nag-uugnay sa umuugong na tsismis na diumanoý nagdadalantao na si Kim, posibleng yun daw ang sagot ng aktres-host sa mga naniniwalang siya ngaý buntis na mula sa boyfriend niyang (wala pang pag-amin na mag-bf-gf sila) si Paulo Avelino.

May mga nagtatanong naman kung nang-ookray ba si Kim bilang isang naka-cross dress at buntis pero hataw sa paggiling?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles