Meron din naman palang ganda ang buhay, coffee lovers!
Markahan na ang September 25 dahil may palibre si Ninang Dunkin’!
Sa halagang P95, dalawang large iced coffee na agad ang makukuha sa Buy 1, Get 1 promo ng Dunkin’ PH. Kaya kung bitin ka sa isang baso o may gusto kang yayain sa coffee date, ilang tulog na lang ang hihintayin.
Idineklara ng Dunkin’ PH ang susunod na Biyernes, September 25, 2026 bilang Iced Coffee Date Day para sa mga coffee lover na gustong makipag-date, makipagkuwentuhan o magpalamig kasama ang kanilang kaibigan.
Available ang promo mula alas-10 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi sa piling Dunkin’ stores nationwide.
Sa ilalim ng Buy 1, Get 1 deal, isang bayad na P95 ang katapat ng dalawang large iced coffee. Kaya puwedeng may kahati sa kape o parehong sa iyo kung ayaw mong mamigay. Target ng promo ang mga gustong mag-enjoy ng kanilang iced coffee kasama ang kaibigan, katrabaho, kapamilya o ka-date nang hindi mabigat sa bulsa.
Ang kailangan na lang pagdesisyunan, sino ang ka-date mo sa libreng pangalawang kape? /Bistado


