Bilang mga magulang ay hindi naman talaga maiaalis sa mag-asawang Aga at Charlene Muhlach na ipagtanggol ang anak nilang si Atasha (Tash) sa mga bashers.
Simula ng makuha ni Atasha ang coveted role para sa stage play na Annie Batungbakal, Bongga Ka Day, tila hindi na ito tinantanan ng mga negatibong komento at bashing.

Atasha bilang si Annie Batungbakal sa Bongga Ka Day musical… kuha sa FB
Despite the audition video na ipinalabas ng Viva Entertainment hinggil sa intrigang hindi dumaan sa Tash sa regular audition at ginamit lang nito ang pagiging anak niya ng mga pamosong magulang, marami pa din ang kumukuwetsyun.
Kahit ang mga direktor at mga kasamahan ni Tash na naka-witness ng pagpupursige nito sa pag-awit at pagsayaw na major requirement sa role ay nadadamay pa sa bashing sa pagiging stage actress ngayon ni Tash.
“Well, we really can’t please everyone. But most of them naman ay hindi pa napapanood man lang ang show at performance ni Tash. So dun na lang kami mag-react sa mga nakapanood na,” ang more or less pagtatanggol ng mag-asawang Aga at Charlene.
“Just work, have fun… Be nice always. Take care of your heart. Always, always! Mahalin yung trabaho n’yo. Mahalin n’yo yung mga nagmamahal sa inyo,” dagdag pang payo ni Aga kay Tash na tinawag pa niyang “sparring partner” niya kaya daw hindi siya kinakabahan sa gagawin nito.
Pinayuhan din niya ang anak na hayaan na lang ang mga bashers dahil aniya, “let them be, you don’t need them in your life.”
Sinegundahan naman ito ni Charlene na gaya ng asawa ay very confident sa abilidad ng anak bilang dancer.
Matatandaang naging tatak na din ni Charlene ang titulong “dancing queen” dahil sa mga programa niyang Eezy Dancing at Keep on Dancing sa TV, kung saan bukod sa husay niyang mag-host ay puring-puri din ang galing niya sa pagsasayaw.
Ongoing pa rin ang Bongga Ka Day bilang co-production ng Viva Communications at Newport World Resorts, with creative direction from PETA Plus, Tatakbo ito hanggang Oct. 24 at the Newport Performing Arts Theater. Tickets are available online, at TicketWorld outlets and at the Newport World Resorts Box Office.


