Makaraan ang apatnapung dalawang taon, muling mapapanood ng bagong henerasyon ng mga manonood ng pelikula ang isa sa pinakamakabuluhan at klasikong pinoy film sa kasaysayan, ang Sister Stella L.
Ang multi-awarded movie na unang ipinalabas noong 1984 sa ilalim ng diktaduryang admininstrasyon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. ay “ni-restore, ni-remaster at in-enhance” sa bagong 4k format nito.
Sa pangangasiwa ng Film Development Council of the Philippines sa ilalim ng Philippine Film Archive (PFA) at ng L’Immagine Ritrovata laboratory, ang landmark film na prinodyus ng Regal Films ay magkakaroon ng special screening bukas Linggo, Sept. 20.

Gagawin ito sa pamosong Metropolitan Theater sa Manila, sa pakikipagtulungan sa NCCA o National Commission for Culture and the Arts.
Layunin ng event na mai-re-introduce sa bagong hukbo ng mga manonood ang napaka-relevant at significant pa ring tema ng pelikula.
Pinagbibidahan ito ng nag-iisang Star for All Seasons, Vilma Santos, bilang si Sister Stella L (Legaspi), isang madre na tumutulong sa union ng mga manggagawa hanggang sa unti-unti niyang yakapin ang mga adbokasiya at prinsipyo ng grupo sa ilalim ng diktadurya at rehimeng mapang-api.
Ang naturang pelikula ang isa sa itinuturing na mahalagang bahagi ng karera ni Vilma Santos kung saan nanalo siya ng maraming karangalan bilang Best Actress at kinikilala ang pelikula hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa.
Sa katunayan, noong nakaraang June lamang ay muling pinag-usapan ang pagpapalabas ng socio-political film nang muli itong mag-premiere sa Il Cinema Ritrovato in Bologna, Italy.
Tanyag sa buong mundo ang Il Cinema Ritrovato bilang ito ang “premier festival for restored classics.”
Sa direksyon ng yumaong si Mike De Leon at screenplay ni Pete Lacaba, paksa pa rin ang pelikula sa mga usapin ng social justice, labor force at humanity.
Ngayong muli nga itong ini-introduce sa bagong henerasyon at panahon, inaasahan nga nitong makapagbigay ng bagong karanasan sa mga manonood at nag-aaral ng kasaysayan kung gaano kahalaga at ka-importante ang naturang obra.
Ilan sa mga klasikong linya na tumatak sa pelikula at angkop pa ring nagagamit sa panahong ito sa mga kilos protesta at usapin sa “kamulatan” ang mga gaya ng sumusunod:
“Kung hindi tayo kikilos, sino ang kikilos, kung hindi pa ngayon, kailan pa?”
“Katarungan para kay Dencio!”
“Ako ay isang Kristiyano! At bilang isang Kristiyano, alam ko at alam nating lahat na tayo’y nasa tama!”
“Panahon na! Mga kasama, ipakita ang lakas ng ating pagkakaisa!”


