Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

ICC: Duterte mananatiling nakakulong sa The Hague

Mananatiling nakakulong si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) Detention Centre sa The Hague matapos unanimously magpasya ang Trial Chamber III na ipagpatuloy ang kanyang detention habang umuusad ang crimes against humanity case laban sa kanya.

Inilabas ang ruling nitong Miyerkules, September 16, ilang sandali matapos ang third status conference na personal na dinaluhan ni Duterte, ang una niyang pagharap sa status conference ng ICC.

Ayon sa Trial Chamber, nananatili ang posibilidad na tumakas si Duterte o hadlangan o ilagay sa panganib ang imbestigasyon at court proceedings.

Binanggit din ng Chamber ang pagsusumite ng prosecution ng witness at evidence lists. Dahil dito, naibunyag na sa akusado ang identities ng witnesses at nilalaman ng inaasahang testimonya, na ayon sa korte ay nagpapataas sa kakayahang posibleng maimpluwensyahan ang witnesses direkta man o sa pamamagitan ng pamilya o supporters sa Pilipinas.

Nauna nang iginiit ng ICC prosecution na “necessary” ang continued detention upang matiyak na hindi makikialam si Duterte sa mga testigo.

Hindi pa naman nireresolba ng Trial Chamber ang hiwalay na usapin kung fit si Duterte na humarap sa trial. Humihingi ang depensa ng “greater medical certainty” habang kinukuwestiyon ang report ng court-appointed medical experts.

Gayunman, sinabi ng Chamber na walang inilatag ang defense lawyers na bagong facts o pagbabago sa circumstances na sapat upang baguhin ang detention order.

Sa third status conference, hindi nag-waive ng appearance si Duterte, kaiba sa dalawang naunang status conferences. Nakaupo na ang 81-anyos na dating Pangulo sa courtroom nang dumating ang mga hukom.

“This is the first time that Mr. Duterte has been in this court. As far as the trial chamber is concerned, if he wishes to leave for any reason, he may do so,” ani Presiding Judge Joanna Korner.

Tinalakay din sa conference ang prosecution evidence at witnesses, disclosure sa defense at schedule ng trial.

Nahaharap si Duterte sa crimes against humanity charges kaugnay ng mga alegadong pagpatay noong siya ay Davao City mayor at Pangulo.

Inaresto siya noong March 2025 at kasalukuyang nakakulong sa ICC Detention Centre sa Scheveningen, The Hague.

Nakatakdang magsimula ang kanyang trial sa November 30. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles