Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Howie Severino, dinumog sa book launch 

Batid talaga ang pagmamahal at suporta ng madla kay award-winning journalist Howie Severino na nitong Biyernes (September 11) lamang ay nag-launch ng kanyang book of essays na pinamagatang “People I Knew (But Some I Didn’t But Wrote About Them Anyway).” Ginanap ang kanyang book launch sa Manila International Book Fair sa SMX Convention Center.

Marami ang talaga namang sinadyang puntahan ang kanyang book launch para personal na mapakinggan ang kuwento sa likod ng pagkakabuo ng kanyang libro. Pinilahan din ang book signing kung saan nabigyan ng pagkakataon ang book enthusiasts at kanyang supporters na makasalamuha at magkaroon ng photo op kasama ang batikang mamamahayag. Sinuportahan din si Howie ng kanyang mga kaibigan sa industriya kabilang ang I-Witness co-hosts niya na sina Atom Araullo at Kara David.

Saad nga ni Howie, hindi tungkol at para sa kanya ang libro kundi para sa mga taong malaki ang kontribusyon sa lipunan na hindi dapat malimutan. Sey niya sa isang Facebook post, “Hindi ko itinuturing na literature ang librong ito — sa halip, ito ay isang record ng mga taong nabuhay at nag-ambag sa mundo. ‘Yan naman ang isang misyon ng journalism, ‘di ba? Ang lumikha ng record ng mga totoong nangyari, at ng mga tao sa gitna nito.”

Ang “People I Knew (But Some I Didn’t But Wrote About Them Anyway) ay inilathala ng UST Publishing House.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles