Pinag-uusapan ngayon ang madalas na pagsama ng mga kaanak at kaibigan ni super sikat na aktres sa mga events o imbitasyon ng kanyang kontrobersyal na boyfriend mula sa ibang larangan.
Simula nang napabalita ang magandang samahan nina super sikat na aktres at bf, marami ang nagbibigay ng payo sa aktres na baka mahila siya nito pababa.
Kilalang babaero at mahilig makipag-relasyon si kontrobersyal bf sa mga celebrities mula sa showbiz at sports.
Pinagdududahan ding ginagamit ito ni bf sa kanyang larangan sa pulitika kung saan mayroon siyang posisyon sa isang kilalang lugar sa labas ng Manila.
Ang siste, tila bingi at bulag si super sikat na aktres sa mga payo at warning ng mga malalapit sa kanya lalo na yung mga naging common friends nila ng dati niyang sikat din na boyfriend mula sa showbiz.
At para siguro patunayan na nagkakamali ang mga kaanak at kaibigan ni super sikat na aktres sa impresyon at pagkakakilala nila sa kontrobersyal na boyfriend, unti-unti diumanong isinasama ni super sikat na aktres sa lahat ng imbitasyon at lakad nila ng boyfriend ang mga nagdududa pa sa kanilang relasyon.
Wala naman daw sanang ibang isyu pa na nakikita ang marami kundi sa isang rason na madalas ay si super sikat na aktres diumano ang gumagastos, bumibili ng mga pasalubong at peace offering, mga treats, at iba pa.
Kilala ding mayaman si boyfriend at galing sa angkan ng mga pulitiko sa kanilang lugar kaya marami ang nagtataas ng kilay kung bakit tila hinahayaan daw nito si super sikat na aktres ang parang nanunuyo pa sa mga kaibigan at kaanak nito para makilala at matanggap siya bilang boyfriend?
Si sikat na aktres ay kilala sa showbiz bilang isa sa pinakamayaman at tunay namang nasa itaas nang kanyang karera.
“Parang masyado naman siyang bata at maganda para maging azucarera de mama at palabigasan ni kontrobersyal na boyfriend?,” ang tanong ng mga observers.


