Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Mayor nag-birthday sa casino, habang binabaha ang sariling bayan?

May pa-birthday chika ang mga kabisto. Kaso imbes na wishes, reklamo ang sumalubong sa isang mayor!

Ayon sa bulong-bulungan ng mga kabisto, nagpa-party raw sa isang casino ang naturang opisyal habang binabaha ang kanilang lalawigan. Kaya ang pagbating sana’y masarap ang kanyang ulam, may kasamang patama.

Ay, hindi happy ang lahat sa birthday!

Sabi ng ilang kabisto na nagsabing abot-baba na raw ang baha sa kanilang lugar pero wala pa umanong dumarating na relief o rescue. Ang hinahanap sana, hindi imbitasyon sa handaan kundi saklolo.

May isa pang kabisto na nagbanggit na katatapos lang din umano ng engrandeng birthday party ng kanilang bise alkalde.

Sunod-sunod ang celebration, sunod-sunod din ang reklamo!

Pero eto ha, hindi malinaw: magkasabay nga ba ang selebrasyon at pagbaha? At ano ang naging tugon sa mga humihingi ng tulong?

Hindi naman kailangang kanselahin ang lahat ng birthday, mga kabisto. Pero kung tama ang sinasabing timing, hindi sapat na birthday greetings lang ang sinasagot.

Clue? Lokal na lider sa isang lalawigan sa North. Ang venue na binanggit sa reklamo, pang-jackpot ang dating. Ang birthday wish ng nagrereklamong residente, makarating ang tulong.

Yun na. Bistado!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles