Hindi maikakaila na namana ni Frankie o Kakie Pangilinan ang magandang boses ng inang si megastar Sharon Cuneta.
At dahil may lahing mga mang-aawit din ang Pangilinan side, mas naging solido ang papuri sa panganay nina mega Sharon at Senator Kiko.
Sa isang promo event para sa pelikulang “Edjop” ay naringgang umawit si Kakie at hindi na nagulat ang marami sa husay nito.

“Nasa lahi naman talaga. Timbreng Cuneta/Pangilinan ba naman ang magsama. Karirin niya iyan, huhusay pa siya,” komento ng netizen.
Pinasok na nga rin ng Kakie ang recording at pagkanta sa mga shows at baka nga daw very soon ay makipag-collab na ito sa ibang composers/singers gaya mismo ng nanay niya.
Pero dahil may pinopromote ngang movie si Kakie, mas higit daw itong kinakabahan sa kanyang pagiging aktres.
“Of course there will always be comparison pero sobrang grateful na po ako na makalapit man lang sa pagiging magaling na aktres ng Mama ko. She is my idol, my inspiration and she’s the only one- the megastar,” saad ni Kakie na bahagi ng pelikulang “EDJOP.”
Sa naturang bio-flick ng kilalang martial law activist na si Edgar ‘Edjop’ Jopson, si Kakie ang gumaganap na young Joy, ang gf na naging asawa ng kilalang kritiko ni Marcos noong 70’s-80’s.
Ang mahusay na si Elijah Canlas ang gumaganap bilang si Edjop na unang beses ding nakatrabaho ni Kakie at panay papuri nito sa husay ng aktor.
Malaki daw ang naitulong nito sa kanya na mabawasan if hindi man totally mawala yung pagiging self-conscious niya at pressured somehow.
Paliwanag nga nito, “I think as a girl especially who grew up in a very public capacity—especially at that time, I think I’m a bit better at it now, I’ve kind of grown up a bit throughout the course of this movie—especially at the time when we were just beginning shooting, I was very self-conscious.”
At dahil lumaki nga siyang isa ng megastar ang kanyang ina at nasa public eye naman ang ama at mga kaanak nito, nabaon at nabitbit naman daw niya ang ilang mga bagay sa pagiging aktres niya.
“But of course, people’s expectations are always there. I just pray na maibigay ko yung gusto nilang makita,” dagdag pa ni Kakie.
Inamin din ng dalaga na noong time ng shooting ng movie ay naging biktima siya ng social media. Madalas daw ay lagi siyang na-ba-bash sa paraan niya ng pamamahayag at noon lang niya natuklasan ang lawak ng kanyang audience dahil sa pagiging anak nina Sharon at Kiko.
Susog pa niya, “whenever I would talk about things politically online, nagiging tungkol about me, ‘di na tuloy tungkol sa issue, if that makes sense. And I didn’t like that. I didn’t wanna take away from the conversations by just being myself, which is hard.”
Kaya naman daw full trust ang ibinigay niya sa direktor nitong si Katski Flores dahil first time niyang aarte sa harap ng kamera at isang karakter sa political scene ang kanyang ipo-portray.
Esplika pa nito, “I trusted Direk Katski. I asked so many questions all the time. I researched more, refreshed my memory, I took so many notes, I read the script so many times. I think that’s why I accepted. As a person, when I care deeply about things and when I really care about giving a good effort or performance, I’m very thorough. And that’s what matters to me in making art and being creative.”
Sa isang kaugnay na panayam ay muling napag-usapan ang relasyon niya sa kanyang nakatatandang kapatid na si KC Concepcion.
Aminado si Kakie na mahabang panahon na daw silang hindi nagkakausap ng ate niya pero klinaro niyang mahal na mahal niya ito at nirerespeto bilang kapatid.
Kasalukuyan din nitong karelasyon si Dan Laurel mula naman sa angkan ng mga Laurel.


