Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Reklamo ni Mans Carpio vs House prosecutors, ibinasura

Ibinasura ng Quezon City Prosecutor’s Office ang reklamong inihain ni Atty. Manases “Mans” Carpio kaugnay ng pagsisiwalat ng bank transaction records nila ng kanyang asawang si Vice President Sara Duterte sa House impeachment proceedings.

Inihain ni Carpio ang mga reklamong nag-aakusa ng paglabag sa Anti-Money Laundering Act (AMLA), Bank Secrecy Law at Data Privacy Act kaugnay ng pagtalakay sa kanilang financial transactions sa House Committee on Justice.

Kabilang sa mga nireklamo ang ilang mambabatas na sangkot sa impeachment proceedings laban sa Bise Presidente.

Nauna nang iginiit ng kampo ni Carpio na protektado ng batas ang naturang financial information at hindi ito dapat isiniwalat.

Tinutulan naman ito ng mga mambabatas. Iginiit nilang bahagi ng kanilang constitutional duties sa impeachment proceedings ang pagtalakay sa mga naturang rekord.

Dumating ang dismissal habang nagpapatuloy ang impeachment trial ni Duterte sa Senado, kung saan bahagi ng Article II ang alegasyon ng unexplained wealth.

Nauna nang pinayagan ng Senate impeachment court ang subpoena sa bank at Anti-Money Laundering Council (AMLC) records nina Duterte at Carpio matapos matukoy na prima facie relevant ang mga ito sa Article II.

Naisumite na rin sa impeachment court ang subpoenaed financial records mula sa ilang bangko at AMLC. Noong Setyembre 3, binigyan na rin ng kopya ng bank at tax records ang prosecution panel bilang paghahanda sa pagpresenta nito ng ebidensya sa unexplained wealth allegation. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles