Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Former blockbuster actress, atat na atat sa eleksyon 2028

Higit dalawang taon pa bago ang 2028 national and local elections, pero maaga nang nagparamdam ang isang dating blockbuster actress na ngayo’y pulitiko na rin.

Ayon sa bulong ng ating mga kabisto, kapansin-pansin na raw ang paglitaw ng campaign posters ng naturang aktres sa ilang lugar sa syudad kung saan mukhang tatakbo siya. Ang catch, malayo pa sa campaign period. Kaya naman marami ang napapakamot ng ulo kung bakit tila nagmamadali ang kampanya.

Mas lalo pang naging usap-usapan dahil hindi siya nag-iisa sa nagkalat na posters. Katambal daw niya ang isang pulitikong nagiging kilala ngayon sa social media dahil sa umano’y pagpapakalat ng fake news at kontrobersiyal na political content.

Hindi rin basta-basta ang background ng ating bida ha. Noong dekada nobenta, isa siya sa pinakasikat na leading ladies sa pelikula. Nakapareha niya ang ilan sa pinakamalalaking pangalan sa industriya. Matinee idols. Award-winning actors. Ang ilan sa kanyang mga pelikula noon ay tumabo sa takilya at nagbigay sa kanya ng mga acting awards.

Bukod sa pelikula, nagkaroon din siya ng sariling drama show sa telebisyon. Noong kasagsagan ng kanyang kasikatan, naging laman din ng showbiz pages ang kanyang relasyon at kasal sa isang aktor na pumasok din sa pulitika.

Ngayon, sa mundo na siya ng pulitika nakatutok. Pero may biro nga ang ilang netizen – maagang gastos. Malakas na pondo. Kapag nakaupo, mabilis ang bawi?

Yun na, kabisto!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles